عن أبي سعيد الخُدْرِي رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا أَتَى أحَدُكُم أهله ثم أرَاد أن يَعود فَلْيَتَوَضَّأْ بينهما وضُوءًا».
وفي رواية الحاكم: «فإنه أَنْشَطُ لِلْعَوْد».
[صحيح] - [رواه مسلم، والرواية الثانية عند الحاكم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito)) At sa isang salaysay ni Ima Al-Hakim: (( Sapagkat ito ay higit na may kasiglaan sa pagbabalik))
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Al-Ḥākim - Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang Hadith ay nagpapahiwatig sa pagpapahayag ng patnubay ng Propeta-sa sinumang magnais ng pag-ulit sa pakikipagtalik sa asawa nito.Sapagkat sinabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga: "Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan" Ibig sabihin: kapag nakaipagtalik ang isang lalaki sa asawa nito pagkatapos ay ginusto niyang bumalik sa pakikipagtalik sa pangalawa at tatlong beses. At ang patnubay ng Propeta ay naaayon sa pagkasabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga:"magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito" Ibig sabihin ay: Pagkatapos ng unang pakikipagtalik at bago ang pangalawa.At ang ipinapahiwatig na pagsasagawa ng wudhu rito ay wudhu para sa pagdarasal;Sapagkat ang salitang wudhu kapag ito ay sinabi ,ang unang batayan rito ay iniaangkop sa pagsasagawa ng wudhu sa pamamaraan ng Islam,At naisalaysay ito sa hayag na [salita] sa salaysay nina Imam Ibn Khuzaymah at Imam Al-Bayhaqi;at napapaloob rito na: " Magsagawa ka ng wudhu tulad ng pagsasagawa mo ng wudhu sa pagdarasal" At ang wudhu na ito ay sunnah.