+ -

عن عبد الله بن عُمر رضي الله عنهما عن رسول الله صلى الله عليه وسلم أنه قال: «من جاء منكم الجمعة فلْيَغْتَسِل».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Sugo ni Allah-pagplain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: (( Sinuman ang dumalo sa inyo ng Jumu`ah ay maligo))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Pagtitipon sa dasal na Jumu`ah ay itinuturing na isang dakilang pananaw,at isang malaking pagpupulong mula sa pagpupulong mga Muslim,sapagkat dumarating sila upang isagawa ito,mula sa iba`t-ibang lugar lugar na tinatirahan nila.At ang isang tulad ng pagtitipong ito,kung saan ay ipinapakita ang palatandaan ng Islam,at karangyaan ng mga Muslim,Mararapat lang na ang dadalo rito ay nasa kanyang pinakamagandang kaaunyuan.at sa kanyang pinakamabangong amoy,at pinakamalinis na pangangatawan.Ang mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ay nagdurusa mula sa kahirapan at pangangailangan,nasusuot sila ng damit [na yari sa lana],at naglilingkod sila sa kanilang mga sarili,Dumarating sila sa Jumu`ah na mayroon dala-dalang alikabok at sa kanila ay may pawis,At ang Masjid ay napakakitid,kaya`t nadadagdagan sa kanila ang pagpapawis sa loob ng Masjid,at napipinsala ang bawat isa sa kanila dahil sa nakakasuklam na amoy;Kaya ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na maligo sila sa pagpunta rito,at nang sa gayun ay mawala sa kanila ang mga dumi at amoy na nakakapinsala sa mga nagdadasal at mga Anghel na naroroon upang maknig sa sermon at pag-aalaala [kay Allah]

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Aleman Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya الرومانية Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin