+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنِ اغْتَسَلَ يَوْمَ الجُمُعَةِ غُسْلَ الجَنَابَةِ ثُمَّ رَاحَ، فَكَأَنَّمَا قَرَّبَ بَدَنَةً، وَمَنْ رَاحَ فِي السَّاعَةِ الثَّانِيَةِ، فَكَأَنَّمَا قَرَّبَ بَقَرَةً، وَمَنْ رَاحَ فِي السَّاعَةِ الثَّالِثَةِ، فَكَأَنَّمَا قَرَّبَ كَبْشًا أَقْرَنَ، وَمَنْ رَاحَ فِي السَّاعَةِ الرَّابِعَةِ، فَكَأَنَّمَا قَرَّبَ دَجَاجَةً، وَمَنْ رَاحَ فِي السَّاعَةِ الخَامِسَةِ، فَكَأَنَّمَا قَرَّبَ بَيْضَةً، فَإِذَا خَرَجَ الإِمَامُ حَضَرَتِ المَلاَئِكَةُ يَسْتَمِعُونَ الذِّكْرَ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 881]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ng paligo ng janābah, pagkatapos pumunta, ay para bang nag-alay siya ng isang kamelyo. Ang sinumang pumunta sa ikalawang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang baka. Ang sinumang pumunta sa ikatlong yugto ay para bang nag-alay siya ng isang tupang may sungay. Ang sinumang pumunta sa ikaapat na yugto ay para bang nag-alay siya ng isang manok. Ang sinumang pumunta sa ikalimang yugto ay para bang nag-alay siya ng isang itlog. Kapag lumabas ang imām, dadalo ang mga anghel upang makinig sa pag-aalaala [kay Allāh]."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 881]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kainaman ng maagang pagpunta sa ṣalāh sa Biyernes. Nagsisimula ang maagang pagpunta mula sa pagsikat ng araw hanggang sa pagdating ng imām. Ito ay limang yugto. Nahahati ang mga ito sa limang bahagi alinsunod sa oras sa pagitan ng pagsikat ng araw hanggang sa pagpasok ng imām at pag-akyat niya sa mimbar para sa khuṭbah:
A. Ang sinumang naligo ng isang kumpletong paligo gaya ng pagpaligo ng janābah, pagkatapos pumunta siya sa masjid ng ṣalāh sa Biyernes sa unang yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang kamelyo.
B. Ang sinumang pumunta sa ikalawang yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang baka.
C. Ang sinumang pumunta sa ikatlong yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang tupa – lalaking tupa na may sungay.
D. Ang sinumang pumunta sa ikaapat na yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang manok.
E. Ang sinumang pumunta sa ikalimang yugto, para bang nagkawanggawa siya ng isang itlog.
Kapag lumabas na ang imām para sa khuṭbah, tumitigil ang mga anghel na nakaupo sa mga pinto sa pagtatala ng mga pumapasok sa masjid ayon sa pagkakasunud-sunod at pumupunta sila upang makinig sila sa dhikr at khuṭbah.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الصربية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagpaligo sa araw ng Biyernes at ito ay bago ng pagpunta sa ṣalāh sa Biyernes.
  2. Ang kainaman ng maagang pagpunta sa ṣalāh sa Biyernes mula sa kauna-unahan sa mga yugto ng maghapon.
  3. Ang paghimok sa pagdadali-dali sa mga maayos na gawain.
  4. Ang pagdalo ng mga anghel sa ṣalāh sa Biyernes at ang pakikinig nila sa khuṭbah.
  5. Ang mga anghel ay nasa mga pinto ng masjid, na nagtatala ng mga dumarating ayon sa pagkakasunud-sunod sa pagdating sa ṣalāh sa Biyernes.
  6. Nagsabi si Ibnu Rajab: Ang sabi niya: "Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ..., pagkatapos pumunta" ay nagpapahiwatig na ang pagpaligong isinakaibig-ibig para sa Biyernes ay nagsisimula sa pagsapit ng madaling-araw at nagwawakas bago magtungo ṣalāh sa Biyernes.