Talaan ng mga ḥadīth

Ang naturalesa [ng kalinisan] ay lima: ang pagpapatuli, ang pag-aahit sa ari, ang pagputol ng bigote, ang paggupit ng mga kuko, at ang pagbunot [ng buhok] sa kilikili."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gupitin ninyo ang mga bigote at hayaan ninyo ang mga balbas."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang hindi kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi tatanggapin ni Allah ang dasal ng isa sa inyo kapag siya ay nagdumi [dumi o ihi] hanggat hindi siya nakapagsagawa ng Wudhu
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang siwāk ay isang kadalisayan para sa bibig, na isang kaluguran para sa Panginoon."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpaganda sa wuḍū', lalabas ang mga kasalanan niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito sa ilalim ng mga kuko niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umiwas kayo sa mga ihi; Dahil ang karamihan ng kaparusahan sa libingan ay mula rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagkadalisay ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng:] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng:] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapighatian sa mga sakong mula sa Impiyerno. Lubus-lubusin ninyo ang pagsasagawa ng wuḍū'."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kasama ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa paglalakbay niya,bumaba ako upang tanggalin ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat ng hayop],Nagsabi siya: Hayaan mo silang dalawa,Sapagkat tunay na ipinasok ko silang dalawang na nasa loob ng kalinisan,Kaya nagpunas siya sa kanilang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo,maglagay siya sa ilong niya ng tubig,pagkatapos ay isinga niya ito,At sinuman ang gumamit ng bato [sa paglilinis],gawin niya itong gansal.At kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog,hugasan niya ang dalawang kamay niya bago niya ito ipasok sa lalagyan [ng tubig] ,nang tatlong beses,Dahil katunayan ang isa sa inyo ay hindi niya nalalaman kung saan niya nailagay ang kamay niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumitindig siya [sa pagdarasal] sa gabi, ay nagsisipilyo ng bibig niya sa pamamagitan ng siwāk.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kasama ko ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-umihi siya,nagsagawa ng wudhu,at nagpunas siya sa dalawang Khuffayn niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag pumunta kayo s palikuran,huwag kayong humarap sa Qiblah sa pagdumi at sa pag-ihi,at huwag kayong tumalikod dito,subalit humarap kayo sa silangan o sa kanluran
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag na huwag hawakan ng isa sa inyo ang ari nito sa kanang kamay niya kapag siya ay umiihi,at huwag magpunas [ng bato o papel] kapag nasa palikuran nang kanang kamay,at huwag huminga sa lalagyan ng tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag uminom ang aso sa lalagyan ng isa sa inyo, hugasan niya ito nang pitong ulit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga [masasamang espirito ng mga] lalaki at babae
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naglagay ako ng tubig para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isasagawang niyang wudhu dahil sa pagiging junub.Binuhusan ng kanang kamay nito ang kaliwa ng dalawa o tatlong beses-pagkatapos ay hinugasan niya ang kanyang ari,pagkatapos ay ipinahid niya ang kanyang kamay sa lupa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay lalaking may maramimg Madhiy [tubig na lumalabas bago ang pagtatalik],Nahiya akong itanong ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa kinalalagyan ng anak niya sa akin,Inutusan ko si Meqdad bin Al-Aswad,at itinanong niya ito,at Nagsabi siyang:Hugasan niya ang ari niya at magsagawa siya ng wudhu
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si `Amr bin Abe Hasan,tinanong niya si Abdullah bin Zaid,tungkol sa pagsasagawa ng Wudhu ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Humingi siya ng maliit na palanggana na may tubig,Isinagawa niya sa kanila ang pagsasagawa ng Wudhu ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbuhus siya ng tubig sa kamay niya mula sa maliit na palanggana.at hinugasan nito ang dalawang kamay niya ng tatlong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay naglilinis ng ngipin gamit ang basang siwak,Nagsabi siya: At ang dulo ng siwak ay nasa dila niya,at siya ay nagsasabi ng:Uh,uh [boses ng sumusuka],at ang siwak ay nasa bunganga niya,na para siyang nasusuka
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang sapat na sa iyo na idampi mo sa kamay mo ng ganito: pagkatapos ay idinampi niya ang dalawang kamay niya sa lupa ng isang beses,at pagkatapos ay pinunasan ng kaliwa ang kanan,at ang sa ibabaw ng palad niya at ang mukha niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kaparusahan ay para sa sakong [ng paa] sa Apoy [ng Impiyerno]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May sampung pagkalikas: ang paggupit ng bigote, ang pagpapalago ng balbas, ang paggamit ng siwāk, ang paglinis ng ilong ng tubig, ang pagputol ng mga kuko, ang paghugas ng mga kasukasuan ng daliri, ang pagbunot ng buhok sa kilikili, ang pag-ahit ng buhok sa ari, at ang paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagbubuhol ang demonyo sa batok ng isa sa inyo, kapag ito ay natulog, ng tatlong buhol na naghihigpit siya sa bawat buhol: Sa iyo ay may mahabang gabi kaya muli kang matulog.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inihahanda namin para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Siwak niya at pampalinis niya,Gigisingin Siya ni Allah sa anumang [oras] na naisin Niya itong gisingin sa gabi,Maglilinis siya sa kanyang mga ngipin [gamit ang Siwak],at magsasagawa ng Wudhu at magdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang naligo sa araw ng Biyernes ng paligo ng janābah, pagkatapos pumunta, ay para bang nag-alay siya ng isang kamelyo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang dumalo sa inyo ng Jumu`ah ay maligo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang tubig ay dalawang qullah, hindi ito tatalaban ng karumihan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga ito ng tatlong beses,sapagkat si satanas ay natutulog sa loob ng ilong niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Abdullah bin Zaid,binabanggit niya na; ((Nakita niya ang Sugo ni Allah-pagpalais siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasagawa ng Wudhu,nagmugmog siya,pagkatapos ay inilabas niya (sa ilong niya),pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya ng tatlong beses,at ang kamay niyang kanan nang tatlong beses,at ang iba nito nang tatlong beses,at pinunasan niya ang ulo nito ng tubig,na iba sa (tubig) na nasa kamay niya,at hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa naging malinis ang dalawang ito.)) Saheh ni Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsagawa ng wudhu,pinunasan niya ang noo niya,sa turban at ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat] niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;kapag siya ay nagsasagawa ng wudhu,pinapadaloy niya ang tubig sa dalawang siko niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bumalik ka,at pagbutihin mo ang pagsasagawa mo ng wudhu
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghuhugas o siya noon ay naliligo sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang Muslim na nagsasagawa ng wuḍū' – saka nagpapagaling ng wuḍū' niya, pagkatapos tumatayo saka nagdarasal ng dalawang rak`ah, habang nakatuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya at mukha niya – malibang magigindapat para sa kanya ang Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagpupunas sa ibabaw ng sandal nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsagawa ng wudhu ang isa sa inyo at nagsuot ng kanyang Khuff [medyas na yari sa balat], punasan niya ang dalawang ito at magdasal siya gamit ito, at huwag niya itong tanggalin kung kanyang nanaisin,maliban sa kalagayan ng Janābah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay lumabas siya papunta sa masjid at hindi na nagsagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito ay isang piraso lamang mula sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi namin ibinibilang ang itim at dilaw [na dugo] pagkatapos ng pagkadalisay na isang bagay [mula sa pagregla]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Manatili ka sa abot na nahahadlangan ka ng regla mo;pagkatapos ay maligo ka
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang magsagawa ng wudhu sa araw ng Jumu`ah,dahil rito [ay naisagawa niya ang sunnah] at siya ay tatangkilikin,at sinuman ang maligo,ito ay higit na mainam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katakutan ninyo ang dalawang isinusumpa)) Nagsabi sila: Ano ang dalawang isinumpa O Sugo ni Allah? Ang sabi niya:( Ang mga nagdudumi sa daan ng mga tao o sa Silong nila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog habang siya ay Junub at hindi siya humahawak ng tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya ,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nakaramdam ang isa sa inyo sa tiyan niya ng anuman saka nagpasuliranin sa kanya kung may lumabas ba mula sa kanya na anuman o wala, huwag nga siyang lalabas mula sa masjid hanggang sa makarinig siya ng isang tunog o makatagpo ng isang amoy."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isang tungkulin sa bawat Muslim na maligo siya sa isang araw sa bawat pitong araw, na maghuhugas siya rito ng ulo niya at katawan niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nagnanais ako na umanib sa Islām, kaya nag-utos siya sa akin na maligo ako sa pamamagitan ng tubig at sidr.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Umakyat ako isang araw sa bahay ni Hafsah,Nakita ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa palikuran,nakaharap sa Shamat nakatalikod sa Ka`bah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumapasok sa Palikuran,Nagdadala ako at ang isang bata [nasa tamang gulang] ng isang lalagyan ng tubig at patpat,Naglilinis siya rito gamit ang tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating ang isang Arab [Naninirahan sa Disyerto],Umihi siya sa sulok ng Masjid,Itinaboy siya ng mga tao,Pinagbawalan sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang matapos siya sa pag-ihi,Ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[na kumuha ng] tabo mula sa tubig,ibinuhus ito rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Ummu Habibah ay nagregla sa loob ng pitong taon,Nagtanong siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol rito? Ipinag-utos niya sa kanya na maligo,Nagsabi siya: At siya ay naliligo sa bawat pagdarasal"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag umihi ang isa sa inyo sa tubig na nanatili,yaong hindi dumadaloy,pagkatapos ay maliligo rito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nakakita ng isang lalaking nag-iisa,Hindi nagdadasal sa mga tao,Nagsabi siya: O pulano! Ano ang pumipigil sa iyo sa pagdarasal kasama ang mga tao? Nagsabi siya:O Sugo ni Allah,Ako ay naging Junob ( nakipagtalik o linabasan), at walang tubig.Nagsabi siya: Gumamit ka ng alikabok,sapagkat ito ay sapat na sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay nasa kalagayang Junub,kaya kinamunghian kong maupo sa iyo na ako ay wala sa kadalisayan,Sinabi niya:Kaluwalhatian kay Allah,Tunay na ang mananampalataya ay hindi nagiging marumi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o Mananampalataya at hinugasan niya ang mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali niya na tiningnan niya ng mga mata niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah1 Katotohanang si Allah ay hindi nakikimi mula sa katotohanan,Nararapat ba sa isang babae ang pagligo kapag siya ay nanaginip?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Oo;kapag nakita niya ang tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu)) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito,gawin niya ito. At sa pananalita ni Imam Muslim:(( Nakita ko si Aba Hurayrah na nagsasagawa ng Wudhu,hinugasan niya ang mukha nito at dalawang kamay nito,hanggang sa muntik na itong umabot sa dalawang balikat,pagkatapos ay hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa itinaas niya ito sa dalawang binti,Pagkatapos ay nagsabi siya: Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu ) ) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito sa mukha at sa mga bahagi ng katawan nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:Narinig ko ang kaibigan ko-pagpalain siya niAllah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Umaabot ang pagpapalamuti sa isang mananampalataya ayon sa ina-abot ng kanyang Wudhu))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Noon ay hinuhugasan ko ang Maniy (isperma) mula sa damit ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at kaagad siyang lumabas para magsalah (magdasal), at katotohanan ang nakakaibang kulay ng tubig ay nasa kanyang damit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ano ang mayroon sa nareregla,na nagbabayad ng pag-aayuno at hindi nagbabayad ng pagdarasal?Nagsabi siya: Ikaw ba ay tumatanggi? Sinabi kong: Hindi ako tumatanggi,subalit ako ay nagtatanong lamang.Nagsabi siya: Ito ay dumarating sa amin,at ipinag-utos sa amin na magbayad sa pag-aayuno at hindi ipinag-utos sa amin na magbayad sa pagdarasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalagay ng tubig sa ulo niya nang tatlong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay sumasandal sa sinapupunan ko,Binabasa niya ang Qur-an,at ako ay may regla
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay ibinigay sa kanya ang sanggol,umihi ito sa damit niya,Humingi siya ng tubig at pinatalsikan niya ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag umupo [ang lalaki sa babae] sa pagitan ng apat nitong gilid,pagkatapos ay nakipagtalik rito,tunay na na-oobliga ang pagligo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Dinalasan ko ang paghimok sa inyo sa paggamit ng siwāk.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa amin, na kapag kami ay nasa paglalakbay-o maglalakbay- huwag namin tanggalin ang aming mga medyas ( na yari sa balat) sa loob ng tatlong araw at gabi nito maliban kung junub (nakipagtalik o linabasan),Ngunit sa pagpunta ng palikuran at pag-ihi-at pagtulog.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
kami noon nga sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nakatatagpo ng tulad ng pagkaing iyon malibang madalang. Kaya kapag kami ay nakatagpo niyon, wala kaming mga pamunas kundi ang mga palad namin, ang mga braso namin, at ang mga paa namin. Pagkatapos ay nagdarasal kami at hindi na kami nagsasagawa ng [panibagong] wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hayaan ninyo siya at magbuhos kayo sa ihi niya ng isang maliit na timba ng tubig o malaking timba ng tubig sapagkat ipinadala lamang kayo bilang mga nagpapadali at hindi kayo ipinadala bilang mga nagpapahirap.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tubig ay naipangdadalisay na hindi naparurumi ng anuman.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay naliligo noon gamit ang labis [sa tubig] ni Maymūnah, malugod si Allah sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang tubig ay hindi nagiging junub.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ito ay hindi marumi. Tunay na ito ay kabilang sa mga lalaking umiikut-ikot sa inyo at mga babaing umiikut-ikot.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si `Ammar bin Yaser-kalugdan siya ni Allah-na nagsagawa ng Wudhu,pinaghiwa-hiwalay niya [sa paghugas] ang balbas niya,Sinabi sa kanya: o Ngsabi siya: Sinabi ko sa kanya:- Pinaghihiwalay mo ba [sa paghugas] ang balbas mo? Nagsabi siya:( At ano naman ang pumipigil sa akin? tunay na nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pinaghihiwalay niya [ sa paghugas] ang balbas niya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ibinigay sa kanya ang dalawang-ikatlong bahagi ng palad [ng kamay ng tubig],at minamasahe niya ang kanyang braso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpadala ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ng mga Ispiya, Dumating sa kanila ang ginaw at nang dumating sila sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ipinag-utos niya sa kanila ang pagpunas sa turban at sandalyas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga kasamahan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong panahon niya ay naghihintay ng `ishā’ hanggang sa napapayuko ang mga ulo nila. Pagkatapos ay nagdarasal sila at hindi nagsasagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang sumaling ng ari niya ay magsagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kwadra ng tupa? Nagsabi siya: ((Oo)) Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kulungan ng kamelyo? Nagsabi siya:((Hindi))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-para sa yaong nagtatalik sa asawa niya na ito ay may regla:Nagsabi siya: (( Magkawang-gawa siya ng isang dinar o kalahating dinar))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Hudyo;kapag dinatnan ng regla ang mga kababaihan sa kanila,Hindi nila ito sinasaluhan sa pagkain,at hindi sila nakikisalamuha sa kanila sa bahay,Kaya`t nagtanong ang mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ibinaba ni Allah -pagkataas-taas Niya ang : {Sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa pagreregla,Ipagbadya:Ito ay isang bagay na nakakapinsala,kayat manatiling malayo sa mga babae sa kanilang pagreregla} [Al-Baqarah:222]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah! Ako ay isang babaing linalabasan ng matindi at maraming dugo sa pagregla,Ano sa palagay mo rito,nahahadlangan ako nito sa pagdarasal at pag-aayuno, Nagsabi siya:((Ipapagamit ko sa iyo ang koton sapagkat ito ay nakakasipsip ng dugo)) Nagsabi siyang:Ngunit ito ay mas marami rito,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kaluwalhatian ay sa Allah! ito ay mula sa satanas,upang umupo ka sa palanggana,at kapag nakita niya ang dilaw sa ibabaw ng tubig,maligo siya para sa Dhuhr at `Asr ng isang ligo lamang,at maligo siya sa Maghrib at `Eishah ng isang ligo lamang,at maligo siya sa Fajr ng isang ligo lamang,at magsagawa ng Wudhu sa pagitan ng mga ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagtagumpay ako dahil sa takot,at ipinagkaloob sa akin ang mga susi sa kalupaan,at pinangalanan akong si Ahmad,at ginawa ang lupa para sa akin na dalisay,at ginawa ang nasyon ko na pinakamainam sa mga nasyon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel,at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay kapag hindi tayo nakatagpo ng tubig,at nabanggit niya ang iba pang bagay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay naliligo at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa isang lagayan ng tubig,nagsasalungat ang mga kamay namin dito,[dahil sa pagligo] mula sa pagiging junub
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sapagkat tunay na sapat na para sa iyo ang paglagay mo ng tubig sa palad mo para sa ulo mo, nang tatlong palad ,Pagkatapos ay ibuhos mo ito sa iyong [katawan] ang tubig,at magiging dalisay ka
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagbuhos ako [ng tubig] para sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pampaligo,Kumuha siya nito sa kanang [kamay niya] at inilagay niya ito sa kaliwang [kamay niya] at hinugasan niya ang dalawang ito,Pagkatapos ay hinugasan nito ang Ari niya,Pagkatapos ay ihinampas nito ang kamay niya sa lupa at ipinahid niya ito sa lupa,pagkatapos ay hinugasan niya,Pagatapos ay nagmumog siya at suminghot [ng tubig],Pagkatapos ay hinugasan nito ang mukha niya,at nagpahid siya [ng tubig] sa ulo niya,pagkatapos ay binaliktad niya ito [sa pagpahid],Hinugasan niya ang dalawang paa niya.Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang Pamunas,ngunit hindi siya nagpunas nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang tubig ng lalaki ay makapal na kulay puti,at ang tubig ng babae ay manipis na kulay dilaw,At kahit saan sa dalawang ito ang pumataas o mauna,ito ang magiging kahawig niya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbawal sa paglilinis {sa palikuran} sa pamamagitan ng dumi ( ng hayop) at mga buto, at nagsabi siya:(( Katotohanan,Ang dalawang ito ay hindi nakakalinis
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag lumabas siya noon mula sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Ghufrānaka (Hinihiling ko ang pagpapatawad Mo)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ipinagbawal niya sa amin na humarap sa Qiblah sa pagdudumi o pag-ihi,o ang magdalisay kami [mula sa pagdumi] gamit ang kanan,o ang magdalisay kami na bababa sa bilang ng tatlong bato,o ang magdalisay kami gamit ang dumi ng hayop o buto
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tatlong araw at gabi nito sa manlalakbay;at isang araw at isang gabi sa naninirahan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag naka-apak ng dumi ang sandalyas nito,Ang makakalinis nito ay ang Lupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpahintulot ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa manlalakbay ng tatlong araw at mga gabi nito,at sa nananahanan ay isang araw at isang gabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay 'Abdullah bin 'Abdullah bin 'Utbah,Nagsabi siya:Pumasok Ako kay 'Aishah,sinabi ko sa kanya: Hindi moba sasabihin sa akin ang sakit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:Oo,Lumalala ng ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: ((Nakapagdasal naba ang mga Tao?))Nagsabi kami: Hindi pa,hinihintay ka nila,Nagsabi siya;(( Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya:(Aisha):Ginawa namin,naligo siya at pumunta siya upang isagawa (ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos ay nagkamalay siya,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:((Nakapagdasal naba ang mga tao?))Nagsabi Kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo,O Sugo ni Allah,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa timba)) Nagsabi siya ( 'Aishah): Umupo siya at naligo,pagkatapos ay pumunta upang isagawa ( ang dasal,ngunit) nawalan siya ng malay,Pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:(( Nakapag-dasal mana ang mga Tao?)) Nagsabi kami:Hindi pa O Sugo ni Allah, sila ay naghihintay sa iyo,Nagsabi siya:((Maglagay kayo para sa akin ng tubig sa Timba)) umupo siya at naligo siya,pagkatapos ay pumunta upang isagawa (ang dasal, ngunit) nawalan siya ng malay,pagkatapos at nagkamalay siya,Nagsabi siya:((Nakapagdasal naba ang mga Tao?)) Nagsabi kami: Hindi pa,sila ay naghihintay sa iyo, O Sugo ni Allah,at ang mga Tao ay nanatili sa loob ng Masjid,hinihintay nila ang Propeta sumakanya ang pangangalaga sa pagdarasal ng Eishah na pang-huli,Nagpadala ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Abū Bakar,upang (sabihing) magdasal siya sa mga Tao,dumating sa kanya ang sugo at nagsabi: Katotohanang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nag-utos sa iyo na magdasal ka sa mga Tao,Ang sabi ni AbūBakar-at siya ay lalaking maripok-O 'Umar,magdasal ka sa mga Tao,Nagsabi sa kanya si Umar:Ikaw ang mas karapat-dapat dito,Kaya't nagdasal si AbūBakar sa mga araw na yaon,hanggang sa ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at nakita niya sa kanyang sarili ang pagkasigla,Lumabas siya sa pagitan ng dalawang kalalakihan,una ay si 'Abbās upang magdasal ng Dhuhr,Habang si AbūBakar ay nagdarasal para sa mga tao,at nang makita siya ni AbūBakar,pumunta siya upang ipagpahuli,Nagpahiwatig sa kanya ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na huwag magpahuli,Nagsabi siya:umupo kayong dalawa sa tabi niya,at umupo silang dalawa sa tabi ni AbūBakar: Nagsabi siya:At si AbūBakar ay nagdadasal na siya ay sumusunod sa pagdadasal ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Habang ang mga Tao ay (sumusunod) sa pagdadasal ni AbūBakar,at ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay naka-upo,Nagsabi si 'Ubaydallah:Pumasok Ako kay 'Abdullah bin 'Abbās at sinabi ko sa kanya: Gusto mobang sabihin ko sa iyo ang sinabi sa akin ni 'Aishah tungkol sa sakit ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Sabihin mo,at sinabi ko sa kanya ang sinabi niya,At wala siyang tinanggihan sa mga bagay na ito liban sa sinabi niyang: Pinangalanan ba niya sa iyo ang lalaking kasama ni 'Abbās, Nagsabi ako: Hindi,Nagsabi siya: Siya si 'Alī malugod si Allah sa kanya Saheh Al-Bukhari
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumaan kay Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang mga kalalakihan mula sa Quraysh,na kinakaladkad nila ang mga tupa nila na tulad ng Asno,Nagsabi sa kanila ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kung kinuha kamang ninyo ang balat nito)) Nagsabi sila: Ngunit ito ay patay na? Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Linilinisan ito ng Tubig at Qardh { buto ng punongkahoy na may tinik} )).
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Tasa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nabasag,naglagay siya sa lugar ng nabasag nang kable na yari sa pilak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet, kapag nakatulog ang dalawang mata,nakakalagan ang sinulid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ito pinapalitan; Ang babae mula sa mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - ay nananatili sa [kalagayang] bagong panganak nang apatnapong gabi,Hindi siya inuutusan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na palitan ang pagdarasal ng bagong panganak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinatay nila ito,naway patayin din sila ni Allah,Hindi ba sila maaaring magtanong kung hindi naman nila ito napag-alaman,dahil ang lunas sa kamang-mangan ay ang pagtatanong,Sapat na sana sa kanya ang magsagawa ng Tayammum,at-magpunas gamit ng damit-o balutin -ang sugat sa tela,pagkatapos ay punasan niya ito,at maghugas sa natitirang parte ng katawan nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tumama ka sa Sunnah,At gagantimpalaan sa iyo ang pagdarasal mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang malinis na buhangin ay siyang isinasagawang wudhu ng muslim kahit hanggang sampung taon,kapag nakatagpo ka ng tubig,ihaplos mo ito sa iyong balat,sapagkat ito ay higit na mabuti
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nababatid moba ang isang lalaki na nagmamadali sa asawa nito at hindi siya linabasan ng similya,ano ang nararapat para sa kanya?Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:(( Tunay na ang tubig ay nagmula sa tubig
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu