عَنْ حُمْرَانَ مَوْلَى عُثْمَانَ بْنِ عَفَّانَ رضي الله عنه:
أَنَّهُ رَأَى عُثْمَانَ بْنَ عَفَّانَ دَعَا بِوَضُوءٍ، فَأَفْرَغَ عَلَى يَدَيْهِ مِنْ إِنَائِهِ، فَغَسَلَهُمَا ثَلَاثَ مَرَّاتٍ، ثُمَّ أَدْخَلَ يَمِينَهُ فِي الْوَضُوءِ، ثُمَّ تَمَضْمَضَ وَاسْتَنْشَقَ وَاسْتَنْثَرَ، ثُمَّ غَسَلَ وَجْهَهُ ثَلَاثًا، وَيَدَيْهِ إِلَى الْمِرْفَقَيْنِ ثَلَاثًا، ثُمَّ مَسَحَ بِرَأْسِهِ، ثُمَّ غَسَلَ كُلَّ رِجْلٍ ثَلَاثًا، ثُمَّ قَالَ: رَأَيْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَتَوَضَّأُ نَحْوَ وُضُوئِي هَذَا، وَقَالَ: «مَنْ تَوَضَّأَ نَحْوَ وُضُوئِي هَذَا ثُمَّ صَلَّى رَكْعَتَيْنِ لَا يُحَدِّثُ فِيهِمَا نَفْسَهُ غَفَرَ اللهُ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 164]
المزيــد ...
Ayon kay Ḥumrān na alila ni `Uthmān bin `Affān: {Siya ay nakakita kay `Uthmān bin `Affān na nanawagan ng tubig ng wuḍū', saka nagbuhos siya sa mga kamay niya mula sa lalagyan nito, saka naghugas siya ng mga ito nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kanang kamay niya sa tubig ng wuḍū'. Pagkatapos nagmumog siya at suminghot siya [ng tubig] at suminga. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang tatlong ulit at ng mga kamay niya hanggang sa siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpahid siya sa ulo niya. Pagkatapos naghugas siya ng bawat paa nang tatlong ulit. Pagkatapos nagsabi siya: "Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito." Nagsabi pa siya: "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang hindi kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 164]
Nagturo si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) ng paraan ng pagsasagawa ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang praktikal na pamamaraan upang ito ay maging higit na magaling sa pagpapaliwanag. Humiling siya ng tubig sa isang lalagyan saka nagbuhos siya sa mga kamay niya nang tatlong ulit. Matapos niyon, nagpasok siya ng kanang kamay niya sa sisidlan at kumuha siya roon ng tubig saka nagpaikot siya nito sa bibig niya at nagpalabas siya nito. Pagkatapos sumalok siya mismo ng tubig papunta sa loob ng ilong niya, pagkatapos nagpalabas siya nito at nagsinga siya nito. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang talong ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga kamay niya kasama ng mga siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagparaan siya ng kamay niya sa ulo niya, na binasa ng tubig, nang iisang ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya kasama ng mga bukungbukong nang tatlong ulit.
Noong nakatapos siya (malugod si Allāh sa kanya), nagpabatid siya sa kanila na siya ay nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' na ito. Nagbalita ng nakalulugod sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' niya at nagdasal ng dalawang rak`ah nang taimtim habang nakadalo ang puso niya sa harap ng Panginoon niya (kamahal-mahalan Ito at kapita-pitagan) sa dalawang rak`ah na ito, tunay na si Allāh ay gaganti sa kanya sa kumpletong wuḍū' na ito at wagas na ṣalāh na ito ng kapatawaran sa nauna sa mga pagkakasala niya.