Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Ayon kay Ḥumrān na alila ni `Uthmān bin `Affān: {Siya ay nakakita kay `Uthmān bin `Affān na nanawagan ng tubig ng wuḍū', saka nagbuhos siya sa mga kamay niya mula sa lalagyan nito, saka naghugas siya ng mga ito nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kanang kamay niya sa tubig ng wuḍū'. Pagkatapos nagmumog siya at suminghot siya [ng tubig] at suminga. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang tatlong ulit at ng mga kamay niya hanggang sa siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpahid siya sa ulo niya. Pagkatapos naghugas siya ng bawat paa nang tatlong ulit. Pagkatapos nagsabi siya: "Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito." Nagsabi pa siya: @"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang hindi kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya.*"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si `Amr bin Abe Hasan,tinanong niya si Abdullah bin Zaid,tungkol sa pagsasagawa ng Wudhu ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Humingi siya ng maliit na palanggana na may tubig,Isinagawa niya sa kanila ang pagsasagawa ng Wudhu ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbuhus siya ng tubig sa kamay niya mula sa maliit na palanggana.at hinugasan nito ang dalawang kamay niya ng tatlong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga ito ng tatlong beses,sapagkat si satanas ay natutulog sa loob ng ilong niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Abdullah bin Zaid,binabanggit niya na; ((Nakita niya ang Sugo ni Allah-pagpalais siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasagawa ng Wudhu,nagmugmog siya,pagkatapos ay inilabas niya (sa ilong niya),pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya ng tatlong beses,at ang kamay niyang kanan nang tatlong beses,at ang iba nito nang tatlong beses,at pinunasan niya ang ulo nito ng tubig,na iba sa (tubig) na nasa kamay niya,at hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa naging malinis ang dalawang ito.)) Saheh ni Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsagawa ng wudhu,pinunasan niya ang noo niya,sa turban at ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat] niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;kapag siya ay nagsasagawa ng wudhu,pinapadaloy niya ang tubig sa dalawang siko niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ibinigay sa kanya ang dalawang-ikatlong bahagi ng palad [ng kamay ng tubig],at minamasahe niya ang kanyang braso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu