عَنْ يحيى بنِ عُمَارةَ المَازِنِيِّ قَالَ:
شَهِدْتُ عَمْرَو بْنَ أَبِي حَسَنٍ سَأَلَ عَبْدَ اللَّهِ بْنَ زَيْدٍ، عَنْ وُضُوءِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَدَعَا بِتَوْرٍ مِنْ مَاءٍ، فَتَوَضَّأَ لَهُمْ وُضُوءَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَأَكْفَأَ عَلَى يَدِهِ مِنَ التَّوْرِ، فَغَسَلَ يَدَيْهِ ثَلاَثًا، ثُمَّ أَدْخَلَ يَدَهُ فِي التَّوْرِ، فَمَضْمَضَ وَاسْتَنْشَقَ وَاسْتَنْثَرَ، ثَلاَثَ غَرَفَاتٍ، ثُمَّ أَدْخَلَ يَدَهُ فَغَسَلَ وَجْهَهُ ثَلاَثًا، ثُمَّ غَسَلَ يَدَيْهِ مَرَّتَيْنِ إِلَى المِرْفَقَيْنِ، ثُمَّ أَدْخَلَ يَدَهُ فَمَسَحَ رَأْسَهُ، فَأَقْبَلَ بِهِمَا وَأَدْبَرَ مَرَّةً وَاحِدَةً، ثُمَّ غَسَلَ رِجْلَيْهِ إِلَى الكَعْبَيْنِ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 186]
المزيــد ...
Ayon kay Yaḥyā bin `Umārah Al-Māzinīy na nagsabi:
{Nakasaksi ako kay `Amr bin Abī Ḥasan na nagtanong kay Abdullāh bin Zayd tungkol sa wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpakuha siya ng isang batya ng tubig saka nagsagawa siya ng wuḍū' sa harap nila gaya ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagbuhos siya sa kamay niya mula sa batya saka naghugas ng mga kamay niya nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya sa batya saka nagmumog, suminghot ng tubig, at nagsinga – nang tigtatlong salok. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya [sa batya] saka naghugas ng mukha niya nang tatlong ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga kamay niya nang dalawang ulit hanggang sa mga siko. Pagkatapos nagpasok siya ng kamay niya [sa batya] saka nagpahid sa ulo niya ng mga ito paharap at palikod nang isang ulit. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya hanggang bukungbukong.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 186]
Naglinaw si Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) ng pamamaraan ng pagsasagawa ng wuḍū' ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang pamamaraang panggawain. Humiling siya ng isang maliit na lalagyan ng tubig. Nagsimula siya, una, sa paghuhugas ng mga kamay niya. Pagkatapos inihilig niya ang lalagyan at nagbuhos ng tubig saka naghugas ng mga ito nang tatlong ulit sa labas ng lalagyan ng tubig. Pagkatapos nagpasok ng kamay niya sa lalagyan saka sumalok mula rito nang tatlong salok na nagmumumog siya sa bawat salok, nagsisinghot ng tubig, at nagsisinga. Pagkatapos sumalok siya mula sa lalagyan saka naghugas ng mukha nang tatlong ulit. Pagkatapos sumalok siya mula rito saka naghugas ng mga kamay niya hanggang sa mga siko nang tigdadalawang ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng mga kamay niya sa lalagyan saka nagpahid sa ulo niya ng mga kamay niya. Nagsimula siya sa harapan ng ulo niya hanggang sa umabot sa batok niya sa ibabaw ng leeg, pagkatapos pinabalik niya ang mga ito hanggang sa umabot sa bahaging pinagsimulan niya. Pagkatapos naghugas siya ng mga paa niya hanggang sa bukungbukong.