+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا توضَّأ العبدُ المسلم، أو المؤمن فغسل وَجهَهُ خرج مِنْ وَجْهِهِ كُلُّ خَطِيئَةٍ نظر إليها بِعَينَيهِ مع الماء، أو مع آخر قَطْرِ الماء، فإذا غسل يديه خرج من يديه كل خطيئة كان بَطَشَتْهَا يداه مع الماء، أو مع آخِرِ قطر الماء، فإذا غسل رجليه خرجت كل خطيئة مَشَتْهَا رِجْلَاه مع الماء أو مع آخر قطر الماء حتى يخرج نَقِيًا من الذنوب».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o Mananampalataya at hinugasan niya ang mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali niya na tiningnan niya ng mga mata niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig. Kaya kapag hinugasan niya ang mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali na hinagupit ng mga kamay niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig. Kaya kapag hinugasan niya ang mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali na nilakad ng mga paa niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig, hanggang sa lumabas siya na dalisay sa mga pagkakasala."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang wuḍū' na alinsunod sa Batas ng Islam ay dinadalisay rito ang apat: ang mukha, ang mga kamay, ang ulo, at ang mga paa. Ang pagdadalisay na ito ay nagiging pisikal na pagdadalisay at nagiging espirtituwal na pagdadalisay. Ang pagiging pisikal na pagdadalisay nito ay hayag dahil ang tao ay naghuhugas ng mukha niya, mga kamay niya, at mga paa niya; at nagpapahid sa ulo. Ang ulo ay hinuhugasan din sana gaya ng paghuhugas sa nalalabing mga bahagi subalit si Allah ay nagpagaan sa gagawin sa ulo dahil ang ulo ay may buhok. Ito ang pinakamataas sa katawan. Kaya kung sakaling huhugasan ang ulo lalo na kapag ito ay may buhok, talagang magdudulot ito ng hirap sa mga tao lalo na sa mga araw ng taglamig. Subalit bahagi ng awa ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na ginawa Niyang ang isinasatungkulin sa ulo ay ang pagpapahid lamang. Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang tao, walang duda na siya ay magdadalisay sa mga bahagi ng katawan na hinuhugasan sa wuḍū' ng isang pisikal na pagdadalisay. Ito ay nagpapatunay sa kalubusan ng Islām yamang isinatungkulin nito sa mga yumayakap nito na dalisayin nila ang mga bahaging ito na kadalasang litaw at nakatambad. Tungkol naman sa kadalisayang espirituwal, na siyang nararapat nilalayon ng Muslim, ito ay pagdadalisay niya mula sa mga pagkasasala. Kapag hinugasan niya ang mukha niya, lalabas ang lahat ng mga kasalanang tiningnan ng mga mata niya at naalaala ng mata. Si Allāh ay higit na nakaaalam. Ito ay bilang paghahalimbawa lamang dahil kung hindi, ang ilong ay maaaring magkamali at ang bibig ay maaaring magkamali sapagkat nagsasalita nga ang tao ng ipinagbabawal na pananalita. Maaari siyang makaamoy ng mga bagay na wala siyang karapatang amuyin. Subalit binanggit ang mata dahil kadasalan ang kamalian ay nasa pagtingin. Ang pagtatakip-sala sa mga kasalanang nasaad sa ḥadīth ay tumutukoy sa maliliit na kasalanan. Tungkol naman sa malalaking kasalanan, hindi maiiwasan dito na magkaroon ng pagbabalik-loob.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Swahili Tamil Thailand Asami الأمهرية الهولندية
Paglalahad ng mga salin