عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الخُدْرِيِّ رضي الله عنه أَنَّهُ سَمِعَ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«إِذَا رَأَى أَحَدُكُمُ الرُّؤْيَا يُحِبُّهَا فَإِنَّهَا مِنَ اللَّهِ، فَلْيَحْمَدِ اللَّهَ عَلَيْهَا وَلْيُحَدِّثْ بِهَا، وَإِذَا رَأَى غَيْرَ ذَلِكَ مِمَّا يَكْرَهُ، فَإِنَّمَا هِيَ مِنَ الشَّيْطَانِ، فَلْيَسْتَعِذْ مِنْ شَرِّهَا، وَلاَ يَذْكُرْهَا لِأَحَدٍ، فَإِنَّهَا لَنْ تَضُرَّهُ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 7045]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Kapag nanaginip ang isa sa inyo ng panaginip na nakaiibig siya nito, tunay na ito ay mula kay Allāh. Kaya naman magpuri siya kay Allāh dahil dito at magsanaysay hinggil dito. Kapag nakakita siya ng iba roon kabilang sa kinasusuklaman niya, ito lamang ay mula sa demonyo. Kaya naman humiling siya ng pagkupkop [ni Allāh] laban sa kasamaan nito at huwag siyang bumanggit nito sa isa man sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 7045]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang panaginip na maayos na na nagpapatuwa sa pagkatulog ay mula kay Allāh. Gumabay Siya na magpuri kay Allāh dahil dito at magpabatid nito. Kapag naman nanaginip siya ng kinasusuklaman niya at nagpapalungkot sa kanya, iyon ay mula sa demonyo lamang. Kaya naman humiling siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa kasamaan nito at huwag siyang bumanggit nito sa isa man sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya yayamang ginawa ni Allāh ang nabanggit bilang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa kinasusuklamang inireresulta dahil sa panaginip.