Talaan ng mga ḥadīth

Ayon kay Ḥumrān na alila ni `Uthmān bin `Affān: {Siya ay nakakita kay `Uthmān bin `Affān na nanawagan ng tubig ng wuḍū', saka nagbuhos siya sa mga kamay niya mula sa lalagyan nito, saka naghugas siya ng mga ito nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kanang kamay niya sa tubig ng wuḍū'. Pagkatapos nagmumog siya at suminghot siya [ng tubig] at suminga. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang tatlong ulit at ng mga kamay niya hanggang sa siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpahid siya sa ulo niya. Pagkatapos naghugas siya ng bawat paa nang tatlong ulit. Pagkatapos nagsabi siya: "Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito." Nagsabi pa siya: @"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang hindi kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya.*"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpaganda sa wuḍū', lalabas ang mga kasalanan niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito sa ilalim ng mga kuko niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
. : . :
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si `Amr bin Abe Hasan,tinanong niya si Abdullah bin Zaid,tungkol sa pagsasagawa ng Wudhu ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Humingi siya ng maliit na palanggana na may tubig,Isinagawa niya sa kanila ang pagsasagawa ng Wudhu ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagbuhus siya ng tubig sa kamay niya mula sa maliit na palanggana.at hinugasan nito ang dalawang kamay niya ng tatlong beses
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang kaparusahan ay para sa sakong [ng paa] sa Apoy [ng Impiyerno]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagbubuhol ang demonyo sa batok ng isa sa inyo, kapag ito ay natulog, ng tatlong buhol na naghihigpit siya sa bawat buhol: Sa iyo ay may mahabang gabi kaya muli kang matulog.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Inihahanda namin para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Siwak niya at pampalinis niya,Gigisingin Siya ni Allah sa anumang [oras] na naisin Niya itong gisingin sa gabi,Maglilinis siya sa kanyang mga ngipin [gamit ang Siwak],at magsasagawa ng Wudhu at magdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga ito ng tatlong beses,sapagkat si satanas ay natutulog sa loob ng ilong niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Abdullah bin Zaid,binabanggit niya na; ((Nakita niya ang Sugo ni Allah-pagpalais siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasagawa ng Wudhu,nagmugmog siya,pagkatapos ay inilabas niya (sa ilong niya),pagkatapos ay hinugasan niya ang mukha niya ng tatlong beses,at ang kamay niyang kanan nang tatlong beses,at ang iba nito nang tatlong beses,at pinunasan niya ang ulo nito ng tubig,na iba sa (tubig) na nasa kamay niya,at hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa naging malinis ang dalawang ito.)) Saheh ni Imam Muslim
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsagawa ng wudhu,pinunasan niya ang noo niya,sa turban at ang dalawang Khuff [medyas na yari sa balat] niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;kapag siya ay nagsasagawa ng wudhu,pinapadaloy niya ang tubig sa dalawang siko niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bumalik ka,at pagbutihin mo ang pagsasagawa mo ng wudhu
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghuhugas o siya noon ay naliligo sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Walang anumang Muslim na nagsasagawa ng wuḍū' – saka nagpapagaling ng wuḍū' niya, pagkatapos tumatayo saka nagdarasal ng dalawang rak`ah, habang nakatuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya at mukha niya – malibang magigindapat para sa kanya ang Paraiso."* Nagsabi ako: "Anong galing nito!" Saka biglang may nagsasalita sa harapan niya, na nagsasabi: "Ang bago nito ay higit na magaling." Kaya tumingin ako saka biglang si `Umar ay nagsabi: "Tunay na ako ay nakakita nga sa iyo na dumating kanina." Nagsabi siya: "Walang kabilang sa inyo na isa mang nagsasagawa ng wuḍū' saka nagpaparubdob – o naglulubus-lubos – ng wuḍū', pagkatapos nagsasabi: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya), malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay lumabas siya papunta sa masjid at hindi na nagsagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ito ay isang piraso lamang mula sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya ,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh.* Nagsabi ako: "Papaano kayo noon nagsasagawa?" Nagsabi siya: "Nagkakasya sa isa sa amin ang [isinagawang] wuḍū' hanggat hindi siya nakasira nito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Kapag nakaramdam ang isa sa inyo sa tiyan niya ng anuman saka nagpasuliranin sa kanya kung may lumabas ba mula sa kanya na anuman o wala, huwag nga siyang lalabas mula sa masjid hanggang sa makarinig siya ng isang tunog o makatagpo ng isang amoy."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o Mananampalataya at hinugasan niya ang mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali niya na tiningnan niya ng mga mata niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu)) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito,gawin niya ito. At sa pananalita ni Imam Muslim:(( Nakita ko si Aba Hurayrah na nagsasagawa ng Wudhu,hinugasan niya ang mukha nito at dalawang kamay nito,hanggang sa muntik na itong umabot sa dalawang balikat,pagkatapos ay hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa itinaas niya ito sa dalawang binti,Pagkatapos ay nagsabi siya: Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu ) ) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito sa mukha at sa mga bahagi ng katawan nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:Narinig ko ang kaibigan ko-pagpalain siya niAllah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Umaabot ang pagpapalamuti sa isang mananampalataya ayon sa ina-abot ng kanyang Wudhu))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
kami noon nga sa panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay hindi nakatatagpo ng tulad ng pagkaing iyon malibang madalang. Kaya kapag kami ay nakatagpo niyon, wala kaming mga pamunas kundi ang mga palad namin, ang mga braso namin, at ang mga paa namin. Pagkatapos ay nagdarasal kami at hindi na kami nagsasagawa ng [panibagong] wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko si `Ammar bin Yaser-kalugdan siya ni Allah-na nagsagawa ng Wudhu,pinaghiwa-hiwalay niya [sa paghugas] ang balbas niya,Sinabi sa kanya: o Ngsabi siya: Sinabi ko sa kanya:- Pinaghihiwalay mo ba [sa paghugas] ang balbas mo? Nagsabi siya:( At ano naman ang pumipigil sa akin? tunay na nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na pinaghihiwalay niya [ sa paghugas] ang balbas niya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ibinigay sa kanya ang dalawang-ikatlong bahagi ng palad [ng kamay ng tubig],at minamasahe niya ang kanyang braso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga kasamahan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong panahon niya ay naghihintay ng `ishā’ hanggang sa napapayuko ang mga ulo nila. Pagkatapos ay nagdarasal sila at hindi nagsasagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang sumaling ng ari niya ay magsagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kwadra ng tupa? Nagsabi siya: ((Oo)) Nagsabi siya:Maaari ba akong magdasal sa kulungan ng kamelyo? Nagsabi siya:((Hindi))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet, kapag nakatulog ang dalawang mata,nakakalagan ang sinulid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu