عَنْ جَابِرٍ رضي الله عنه قال: أَخْبَرَنِي عُمَرُ بْنُ الْخَطَّابِ:
أَنَّ رَجُلًا تَوَضَّأَ فَتَرَكَ مَوْضِعَ ظُفُرٍ عَلَى قَدَمِهِ فَأَبْصَرَهُ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: «ارْجِعْ فَأَحْسِنْ وُضُوءَكَ» فَرَجَعَ، ثُمَّ صَلَّى.
[صحيح بشواهده] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 243]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagpabatid sa akin si `Umar bin Al-Khaṭṭāb:
May isang lalaking nagsagawa ng wuḍū' saka nakaiwan ito ng isang parte ng kuko sa paa niya saka nakita ito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: "Bumalik ka saka magpahusay ka ng pagsasagawa mo ng wuḍū' mo." Kaya bumalik naman ito, pagkatapos nagdasal ito.}
[Tumpak sa pamamagitan ng mga patotoo nito] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 243]
Nagpabatid si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakakita sa isang lalaking nakatapos ng pagsasagawa ng wuḍū' nito ngunit nakaiwan ito ng isang bahagi ng kuko sa paa nito, na hindi naabot ng tubig ng wuḍū'. Kaya nagsabi siya rito habang itinuturo ang parte ng pagkukulang: "Bumalik ka saka magpahusay ka ng pagsasagawa mo ng wuḍū' mo, maglubos ka nito, at magbigay ka sa bawat bahagi ng karapatan nito mula sa tubig." Kaya bumalik naman ang lalaki sapagkat naglubos ng pagsasagawa ng wuḍū' nito, pagkatapos nagdasal ito.