عَنْ أَنَسٍ رضي الله عنه قَالَ:
كَانَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَغْسِلُ، أَوْ كَانَ يَغْتَسِلُ، بِالصَّاعِ إِلَى خَمْسَةِ أَمْدَادٍ، وَيَتَوَضَّأُ بِالْمُدِّ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 201]
المزيــد ...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naghuhugas o siya noon ay naliligo sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 201]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naliligo mula sa janābah sa pamamagitan ng isang ṣā` hanggang sa limang mudd at nagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng isang mudd. Ang isang ṣā` ay apat na mudd. Ang mudd ay ang sukat ng isang pagkapuno ng dalawang kamay ng taong katamtaman ang pisikal na anyo.