+ -

عَنْ عُقْبَةَ بْنِ عَامِرٍ رضي الله عنه قَالَ: كَانَتْ عَلَيْنَا رِعَايَةُ الْإِبِلِ فَجَاءَتْ نَوْبَتِي فَرَوَّحْتُهَا بِعَشِيٍّ فَأَدْرَكْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَائِمًا يُحَدِّثُ النَّاسَ فَأَدْرَكْتُ مِنْ قَوْلِهِ:
«مَا مِنْ مُسْلِمٍ يَتَوَضَّأُ فَيُحْسِنُ وُضُوءَهُ، ثُمَّ يَقُومُ فَيُصَلِّي رَكْعَتَيْنِ، مُقْبِلٌ عَلَيْهِمَا بِقَلْبِهِ وَوَجْهِهِ، إِلَّا وَجَبَتْ لَهُ الْجَنَّةُ» قَالَ فَقُلْتُ: مَا أَجْوَدَ هَذِهِ، فَإِذَا قَائِلٌ بَيْنَ يَدَيَّ يَقُولُ: الَّتِي قَبْلَهَا أَجْوَدُ، فَنَظَرْتُ فَإِذَا عُمَرُ قَالَ: إِنِّي قَدْ رَأَيْتُكَ جِئْتَ آنِفًا، قَالَ: «مَا مِنْكُمْ مِنْ أَحَدٍ يَتَوَضَّأُ فَيُبْلِغُ - أَوْ فَيُسْبِغُ - الْوَضُوءَ ثُمَّ يَقُولُ: أَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُ اللهِ وَرَسُولُهُ إِلَّا فُتِحَتْ لَهُ أَبْوَابُ الْجَنَّةِ الثَّمَانِيَةُ يَدْخُلُ مِنْ أَيِّهَا شَاءَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 234]
المزيــد ...

Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kailangan sa amin ang pagpapastol ng mga kamelyo saka dumating ang toka ko kaya umakay ako sa mga ito sa isang hapon saka nakaabot ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nakatayong nagsasalita sa mga tao saka nakaabot ako mula sa sabi niya:
"Walang anumang Muslim na nagsasagawa ng wuḍū' – saka nagpapagaling ng wuḍū' niya, pagkatapos tumatayo saka nagdarasal ng dalawang rak`ah, habang nakatuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya at mukha niya – malibang magigindapat para sa kanya ang Paraiso." Nagsabi ako: "Anong galing nito!" Saka biglang may nagsasalita sa harapan niya, na nagsasabi: "Ang bago nito ay higit na magaling." Kaya tumingin ako saka biglang si `Umar ay nagsabi: "Tunay na ako ay nakakita nga sa iyo na dumating kanina." Nagsabi siya: "Walang kabilang sa inyo na isa mang nagsasagawa ng wuḍū' saka nagpaparubdob – o naglulubus-lubos – ng wuḍū', pagkatapos nagsasabi: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya), malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 234]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nagsasalita sa mga tao, ng dalawang dakilang kalamangan:
A. Na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay ng wuḍū', naglubus-lubos nito, nagpalubos nito, nagkumpleto nito sa paraang batay sa sunnah, at nagbigay sa bawat bahagi ng karapatan nito sa tubig, pagkatapos nagsabi: "Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya)," malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya.
B. Na ang sinumang nagsagawa ng ganitong wuḍū' na ganap na kumpleto, pagkatapos tumayo matapos ng wuḍū' na ito saka nagdasal ng dalawang rak`ah, habang nagtutuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya sa pagpapakawagas at kataimtiman, at nagpakumbaba sa pamamagitan ng mukha at lahat ng mga bahagi ng katawan niya kay Allāh, magigindapat para sa kanya ang Paraiso.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kadakilaan ng kabutihang-loob ni Allāh (napakataas Siya) dahil sa pagbibigay Niya ng malaking pabuya sa madaling gawain.
  2. Ang pagkaisinasabatas ng paglubus-lubos ng wuḍū' at pagkaganap nito, ang pagdarasal ng dalawang rak`ah nang may kataimtiman matapos nito, at ang natatamo dahil dito na dakilang pabuya.
  3. Ang paglulubus-lubos ng pagsasagawa ng wuḍū' at ang pagsambit matapos nito ng dhikr na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.
  4. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsabi ng dhikr na ito para sa maliligo rin.
  5. Ang pagsisigasig ng mga Kasamahan sa kabutihan na pagpapakatuto ng kaalaman, pagpapalaganap nito, at pagtutulungan nila roon at sa mga nauukol sa pamumuhay nila.
  6. Ang pagsambit ng dhikr matapos ng wuḍū' ay may pagpapawagas ng puso at pagdadalisay nito mula sa Shirk, kung paanong ang pagsasagawa ng wuḍū' ay may pagdadalisay ng katawan at pagpapawagas nito mula sa karumihan.
Ang karagdagan