عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم قَالَ:
«لَا يَقْبَلُ اللهُ صَلَاةَ أَحَدِكُمْ إِذَا أَحْدَثَ حَتَّى يَتَوَضَّأَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6954]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi tumatanggap si Allāh ng ṣalāh ng isa sa inyo kapag naparumi siya [ng pagdumi o pag-ihi] hanggang sa makapagsagawa siya ng wuḍū'."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6954]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga kundisyon ng katumpakan ng ṣalāh ang ṭahārah. Kaya naman kinakailangan sa sinumang nagnais magsagawa ng ṣalāh na magsagawa ng wuḍū' kung may nangyari sa kanya na isang tagasira kabilang sa mga tagasira ng wuḍū' gaya ng pagdumi o pag-ihi o pagkatulog o iba pa sa mga ito.