عن أبي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : ((إن أمتي يُدْعَون يوم القيامة غُرًّا مُحَجَلِّين من آثار الوُضُوء)). فمن اسْتَطَاع منكم أن يُطِيل غُرَّتَه فَليَفعل.
وفي لفظ لمسلم: ((رأَيت أبا هريرة يتوضَّأ، فغسل وجهه ويديه حتى كاد يبلغ المنكبين، ثم غسل رجليه حتى رَفَع إلى السَّاقين، ثم قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: إنَّ أمتي يُدْعَون يوم القيامة غُرًّا مُحَجَّلِين من آثار الوُضُوء)) فمن استطاع منكم أن يطيل غُرَّتَه وتَحْجِيلَه فَليَفعَل.
وفي لفظ لمسلم: سمعت خليلي صلى الله عليه وسلم يقول: ((تَبْلُغ الحِليَة من المؤمن حيث يبلغ الوُضُوء)).
[صحيح] - [الرواية الأولى: متفق عليه.
الرواية الثانية: رواها مسلم.
الرواية الثالثة: رواها مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi,Nagsabi ang Sugo ni Allag-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ((Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu)) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:(( Nakita ko si Aba Hurayrah na nagsasagawa ng Wudhu,hinugasan niya ang mukha nito at dalawang kamay nito,hanggang sa muntik na itong umabot sa dalawang balikat,pagkatapos ay hinugasan niya ang dalawang paa niya hanggang sa itinaas niya ito sa dalawang binti,Pagkatapos ay nagsabi siya: Katotohanan na ang mga Henerasyon ko ay tatawagin sa Araw ng Pagkabuhay na may liwanag sa kanilang mga mukha at sa bahagi ng kanilang mga katawan dahil sa bakas ng Wudhu ) ) Sinuman ang may kakayanan sa inyo sa pagpapataas ng liwanag nito sa mukha at sa mga bahagi ng katawan nito,gawin niya ito.At sa pananalita ni Imam Muslim:Narinig ko ang kaibigan ko-pagpalain siya niAllah at pangalagaan-na nagsasabi:(( Umaabot ang pagpapalamuti sa isang mananampalataya ayon sa ina-abot ng kanyang Wudhu))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imam Muslim sa dalawang salaysay niya - Napagkaisahan ang katumpakan]
Naghahatid ng magandang balita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang Ummah na si Allah-Napaka-Maluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya,na iibahin niya sila sa palatandaan ng kanilang kainaman at karangalan sa Araw ng Pagkabuhay sa pagitan ng mga ibang Ummah,Sapagkat sila ay darating sa mga nilalang na kumikislap ang mga mukha nila at ang mga kamay nila pati narin ang mga paa nila sa liwanag,at ito ay dahil sa mga bakas mula sa mga bakas ng dakilang pagsamba,ito ang Wudhu,na siyang inu-ulit ulit niya sa marangal na bahagi upang makamtan ang pagkalugod ni Allah at paghahangad sa mga gntimpala Niya.Kung-kaya`t ito ay gantimpala na para lamang sa dakilang Ummah na Muhammadiyyah.Pagkataposay sinabi ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-"Sinuman ang may kakayahan sa pagpapataas ng liwanag na ito ay gawin niya ito" Sapagkat sa bawat pagtaas sa lugar na nahuhugasan mula sa bahagi ng katawan,ay tataas (lalaganap) din ang liwanag sa mukha at sa bahagi ng katawan,Sapagkat ang pagpapalamuti sa liwanag ay lumalaganap sa inaabot ng tubig sa pagsasagawa ng Wudhu,Ngunit ang ipinapahintulot lamang ay ang paghuhugas ng dalawang kamay sa pagsasagawa ng Wudhu hanggang sa dalawang siko at pinapalaganap mula sa siko ,ayon sa pagpapahintulot hanggang sa kalamnan,at paghuhugas sa dalawang paahanggang sa bukong-bukong at pinapalaganap mula sa bukong-bukong ayon sa pagpapahintulot hanggang sa binti sa pagsasagawa ng Wudhu