+ -

عَنْ مُصْعَبِ بْنِ سَعْدٍ قَالَ: رَأَى سَعْدٌ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ لَهُ فَضْلًا عَلَى مَنْ دُونَهُ، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«هَلْ تُنْصَرُونَ وَتُرْزَقُونَ إِلَّا بِضُعَفَائِكُمْ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 2896]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Muṣ`ab bin Sa`d na nagsabi: {Nagturing si Sa`d (malugod si Allāh sa kanya) na may kalamangan siya higit sa mababa sa kanya, kaya nagsabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan):
"Inaadya kaya kayo at tinutustusan kayo kundi dahil sa mga mahina ninyo."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [صحيح البخاري - 2896]

Ang pagpapaliwanag

Nagpalagay si Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay may kalamangan sa sinumang mababa sa kanya kabilang sa mga mahina dahilan sa katapangan niya at tulad niyon. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan): "Inaadya kaya kayo at tinutustusan kayo kundi dahil sa mga mahina ninyo dahil sa mga panalangin nila, dasal nila, at pagpapakawagas nila sapagkat sila kadalasan ay higit na matindi sa pagpapakawagas sa panalangin at higit sa kataimtiman sa pagsamba dahil sa kawalan ng mga puso nila ng pagkahumaling sa mga palamuti ng Mundo."

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-udyok sa pagpapakumbaba at ang pagpigil sa pagmamataas sa mga iba.
  2. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Kung ang malakas ay nakapangingibabaw dahil sa kalamangan ng katapangan niya, tunay na ang mahina ay nakapangingibabaw dahil sa kalamangan ng panalangin niya at pagpapakawagas niya.
  3. Ang paghimok sa paggawa ng maganda sa mga maralita at pagbibigay sa kanila ng mga karapatan nila sapagkat tunay na iyon ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaawa ni Allāh at pag-aadya Niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin