+ -

عن عثمان بن عفان رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ تَوَضَّأَ فَأَحْسَنَ الْوُضُوءَ خَرَجَتْ خَطَايَاهُ مِنْ جَسَدِهِ حَتَّى تَخْرُجَ مِنْ تَحْتِ أَظْفَارِهِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 245]
المزيــد ...

Ayon kay Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpaganda sa wuḍū', lalabas ang mga kasalanan niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito sa ilalim ng mga kuko niya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 245]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' kasabay ng pagsasaalang-alang sa mga sunnah ng wuḍū' at mga etiketa nito, iyon ay magiging kabilang sa mga kadahilanan ng pagtatakip-sala sa mga masagwang gawa at pagbaba ng mga kasalanan "hanggang sa lumabas" ang mga pagkakasala niya mula sa ilalim ng mga kuko ng mga kamay niya at mga paa niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagmamalasakit sa pagpapakatuto sa pagsasagawa ng wuḍū', mga sunnah nito, at mga etiketa nito; at ang paggawa ayon doon.
  2. Ang kainaman ng pagsasagawa ng wuḍū' at na ito ay panakip-sala sa mga pagkakasalang maliliit. Hinggil naman sa malalaking pagkakasala, hindi makaiiwas sa pagbabalik-loob.
  3. Ang kundisyon ng paglabas ng mga kasalanan ay ang paglubos sa pagsasagawa ng wuḍū' at ang pagsasagawa rito nang walang pagkasira gaya ng nilinaw ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  4. Ang pagtatakip-sala sa mga pagkakasala sa ḥadīth na ito ay nalilimitahan sa pag-iwas sa malalaking kasalanan at pagbabalik-loob mula sa mga ito. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 4:31): {Kung iiwas kayo sa mga malaking kasalanan na isinaway sa inyo ay magtatakip-sala Kami sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo}
Ang karagdagan