عن أبي الدرداء رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ حَفِظَ عَشْرَ آيَاتٍ مِنْ أَوَّلِ سُورَةِ الكَهْفِ، عُصِمَ مِنَ الدَّجَّالِ». وفي رواية: «مِنْ آخِرِ سُورَةِ الكَهْف».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 809]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya laban sa Bulaang Kristo."} Sa isang salaysay: "mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 809]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsaulo ng sampung talata sa puso mula sa simula ng Kabanatang Al-Kahf, isasanggalang siya, sasanggaan siya, at iingatan siya laban sa tukso ng Bulaang Kristo na lilitaw sa wakas ng panahon at mag-aangkin ng pagkadiyos. Ang tukso niya ay magiging pinakamabigat na tukso sa lupa magmula ng nilikha si Adan hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali dahil nagbigay-kapangyarihan sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa paggawa ng ilan sa mga milagro na ipantutukso niya sa sinumang susunod sa kanya. Iyon ay dahil ang unang bahagi ng Kabanatang Al-Kahf ay may mga kababalaghan at mga tanda na higit na dakila malaki kaysa sa ipantutukso ng Bulaang Kristo sa mga tao sapagkat ang sinumang nagnilay-nilay ng mga ito ay hindi matutukso dahil sa Bulaang Kristo. Sa isang salaysay: "sampung talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Kahf." Mula sa sabi ni Allāh (Qur'ān 18:102): {Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya na makagawa sila ...}