عن أبي مسعود رضي الله عنه قال: قال النبي صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ قَرَأَ بِالْآيَتَيْنِ مِنْ آخِرِ سُورَةِ الْبَقَرَةِ فِي لَيْلَةٍ كَفَتَاهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5009]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5009]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang bumigkas ng dalawang huling talata ng Kabanatang Al-Baqarah sa gabi, tunay na si Allāh ay magbibigay-kasapatan sa kanya laban sa kasamaan at kinasusuklaman. Sinabing magbibigay-kasapatan ito sa kanya katumbas ng pagdarasal sa gabi. Sinasabi ring magbibigay-kasapatan ito sa kanya katumbas ng nalalabi sa mga dhikr. Sinabi ring ang dalawang talatang ito ay ang pinakakaunti na sasapat sa pagbigkas ng Qur'ān sa pagdarasal sa gabi. Sinabi rin ang iba pa roon. Marahil ang lahat ng binanggit ay tumpak na sumasaklaw rito ang pananalita.