+ -

عن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«مَنْ قَرَأَ حَرْفًا مِنْ كِتَابِ اللهِ فَلَهُ بِهِ حَسَنَةٌ، وَالْحَسَنَةُ بِعَشْرِ أَمْثَالِهَا، لَا أَقُولُ {الم} حَرْفٌ، وَلَكِنْ {أَلِفٌ} حَرْفٌ، وَ{لَامٌ} حَرْفٌ، وَ{مِيمٌ} حَرْفٌ».

[حسن] - [رواه الترمذي] - [سنن الترمذي: 2910]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)':
"Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya dahil dito ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."}

[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy] - [سنن الترمذي - 2910]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat Muslim na bumibigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon dahil dito ng isang gawang maganda. Pag-iibayuhin para sa kanya ang pabuya hanggang sa sampung tulad nito.
Pagkatapos nilinaw niya iyon sa sabi niya: "Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik." Kaya ang mga ito ay tatlong titik, na sa mga ito ay may tatlumpung gawang maganda.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagpaparami ng pagbigkas ng Qur'ān.
  2. Ang tagabigkas, dahil sa bawat titik mula sa isang salita na binibigkas niya, ay magkakaroon ng isang gawang magandang pinag-iibayo sa katumbas sa sampung tulad nito.
  3. Ang lawak ng awa ni Allāh at ang pagkamapagbigay Niya yayamang pinag-ibayo Niya para sa mga lingkod ang pabuya bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at bilang pagkamapagbigay.
  4. Ang kainaman ng Qur'ān higit sa iba pa rito na pananalita at ang pagpapakamananamba sa pamamagitan ng pagbigkas nito. Iyon ay dahil ito ay pananalita ni Allāh (napakataas Siya).