+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عنه سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم يَقُولُ:
«قَالَ اللهُ تَعَالَى: قَسَمْتُ الصَّلَاةَ بَيْنِي وَبَيْنَ عَبْدِي نِصْفَيْنِ، وَلِعَبْدِي مَا سَأَلَ، فَإِذَا قَالَ الْعَبْدُ: {الْحَمْدُ لِلهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ}، قَالَ اللهُ تَعَالَى: حَمِدَنِي عَبْدِي، وَإِذَا قَالَ: {الرَّحْمَنِ الرَّحِيمِ}، قَالَ اللهُ تَعَالَى: أَثْنَى عَلَيَّ عَبْدِي، وَإِذَا قَالَ: {مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ}، قَالَ: مَجَّدَنِي عَبْدِي، -وَقَالَ مَرَّةً: فَوَّضَ إِلَيَّ عَبْدِي-، فَإِذَا قَالَ: {إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ}، قَالَ: هَذَا بَيْنِي وَبَيْنَ عَبْدِي وَلِعَبْدِي مَا سَأَلَ، فَإِذَا قَالَ: {اهْدِنَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ، صِرَاطَ الَّذِينَ أَنْعَمْتَ عَلَيْهِمْ غَيْرِ الْمَغْضُوبِ عَلَيْهِمْ وَلا الضَّالِّينَ}، قَالَ: هَذَا لِعَبْدِي وَلِعَبْدِي مَا سَأَلَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 395]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
{Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Hinati Ko ang ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang kalahati at ukol sa lingkod Ko ang hiniling nito." Kaya kapag nagsabi ang lingkod: {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {3. ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi Siya: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Nagsabi pa Siya minsan: "Nagpaubaya sa Akin ang lingkod Ko." Kapag naman nagsabi ito: {5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi Siya: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya." Kapag naman nagsabi ito: {6. Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: 7. ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsasabi Siya: "Ito ay ukol sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 395]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi sa banal na ḥadīth: "Hinati Ko ang Sūrah Al-Fātiḥah sa ṣalāh sa pagitan Ko at ng lingkod Ko sa dalawang kalahati: sa Akin ang unang kalahati nito at sa kanya ang ikalawang kalahati nito."
Ang unang kalahati nito ay pagpupuri, pagbubunyi, at pagpaparingal para sa Akin, na gaganti Ako sa kanya dahil dito ng pinakamabuting ganti.
Ang ikalawang kalahati nito ay pagsusumamo at panalangin, na tutugon Ako sa kanya at magbibigay Ako sa kanya ng hiningi niya.
Kaya kapag nagsabi ang tagapagdasal: {Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}, magsasabi si Allāh: "Nagpuri sa Akin ang lingkod Ko." Kapag nagsabi ito: {ang Napakamaawain, ang Maawain,}, magsasabi si Allāh: "Nagbunyi sa Akin ang lingkod Ko sapagkat nagbunyi siya sa Akin at kumilala siya sa Akin ng pagkapanlahat ng pagbibiyaya Ko sa nilikha Ko." Kapag nagsabi ito: {ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.}, magsasabi si Allāh: "Nagparingal sa Akin ang lingkod Ko." Ito ay ang malawak na karangalan.
Kapag naman nagsabi ito: {Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}, magsasabi si Allāh: "Ito ay sa pagitan Ko at ng lingkod Ko."
Ang unang kalahati mula sa talatang ito ay ukol kay Allāh: {Sa Iyo [lamang] kami sumasamba}. Ito ay isang pagkilala ng pagkadiyos kay Allāh at pagtugon sa pamamagitan ng pagsamba. Dito nagwawakas ang kalahati na ukol kay Allāh.
Ang ikalawang kalahati mula sa talata, na ukol sa lingkod: {sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong}, ay ang paghiling ng tulong mula kay Allāh at ang pangako Niya ng pagtulong.
Kapag naman nagsabi ito: {Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.}, magsasabi si Allāh: "Ito ay isang pagsusumamo at isang panalangin mula sa lingkod Ko at ukol sa lingkod Ko ang hiniling niya at sumagot nga Ako."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kadakilaan ng pumapatungkol sa Al-Fātiḥah sapagkat tumawag dito si Allāh (napakataas Siya) bilang ṣalāh.
  2. Ang paglilinaw sa pagmamalasakit ni Allāh (napakataas Siya) sa lingkod Niya yayamang nagbunyi Siya rito dahilan sa pagpupuri nito, pagbubunyi nito, pagpaparingal nito, at pangako rito na magbigay Siya rito ng hiningi nito.
  3. Naglaman ang marangal na sūrah na ito ng papuri kay Allāh, pagbanggit sa kauuwian, panalangin kay Allāh, pagpapakawagas ng pagsamba sa Kanya, paghingi ng kapatnubayan tungo sa landasing tuwid, at pagbibigay-babala laban sa mga tinatahakan ng kabulaanan.
  4. Ang pagsasadamdamin ng tagapagdasal sa ḥadīth na ito, kapag binigkas niya ang Al-Fātiḥah, ay nakadaragdag sa kataimtiman niya sa pagsasagawa ng ṣalāh.