+ -

عن أَبي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه:
أنه كَانَ يُكَبِّرُ فِي كُلِّ صَلَاةٍ مِنَ الْمَكْتُوبَةِ وَغَيْرِهَا، فِي رَمَضَانَ وَغَيْرِهِ، فَيُكَبِّرُ حِينَ يَقُومُ، ثُمَّ يُكَبِّرُ حِينَ يَرْكَعُ، ثُمَّ يَقُولُ: سَمِعَ اللهُ لِمَنْ حَمِدَهُ، ثُمَّ يَقُولُ: رَبَّنَا وَلَكَ الْحَمْدُ، قَبْلَ أَنْ يَسْجُدَ، ثُمَّ يَقُولُ: اللهُ أَكْبَرُ حِينَ يَهْوِي سَاجِدًا، ثُمَّ يُكَبِّرُ حِينَ يَرْفَعُ رَأْسَهُ مِنَ السُّجُودِ، ثُمَّ يُكَبِّرُ حِينَ يَسْجُدُ، ثُمَّ يُكَبِّرُ حِينَ يَرْفَعُ رَأْسَهُ مِنَ السُّجُودِ، ثُمَّ يُكَبِّرُ حِينَ يَقُومُ مِنَ الْجُلُوسِ فِي الِاثْنَتَيْنِ، وَيَفْعَلُ ذَلِكَ فِي كُلِّ رَكْعَةٍ، حَتَّى يَفْرُغَ مِنَ الصَّلَاةِ، ثُمَّ يَقُولُ حِينَ يَنْصَرِفُ: وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ، إِنِّي لَأَقْرَبُكُمْ شَبَهًا بِصَلَاةِ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، إِنْ كَانَتْ هَذِهِ لَصَلَاتَهُ حَتَّى فَارَقَ الدُّنْيَا.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 803]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya):
{Siya noon ay nagsasagawa ng takbīr sa bawat ṣalāh na isinatungkulin at iba pa rito, sa Ramaḍān at iba pa rito. Nagsasagawa siya ng takbīr kapag nakatayo siya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag yuyukod siya. Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)." Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)" bago siya magpatirapa. Pagkatapos nagsasabi siya ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" kapag bumababa siya para magpatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag nag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag magpapatirapa siya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag nag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag tumatayo siya mula sa pagkakaupo sa dalawa. Gumagawa siya niyon sa bawat rak`ah hanggang sa makatapos siya sa ṣalāh. Pagkatapos nagsasabi siya kapag lilisan: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay talagang ang ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 803]

Ang pagpapaliwanag

Nagsasalaysay si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) ng isang bahagi ng katangian ng pagsasagawa ng ṣalāh ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpapabatid ito na siya, kapag bumangon siya para sa magsagawa ng ṣalāh, ay nagsasagawa ng takbīr kapag nakatayo siya para sa panimulang takbīr. Pagkatapos nagsasagawa siya ng takbīr kapag lilipat siya tungo sa pagyukod, kapag magpapatirapa siya, kapag mag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, kapag magpapatirapa siya para sa ikalawang pagpapatirapa, kapag mag-aangat siya ng ulo niya mula rito, at kapag tatayo siya mula sa unang dalawang rak`ah matapos ng pagkaupo para sa unang tashahhud sa ṣalāh na tatluhan o apatang rak`ah. Pagkatapos gagawa siya niyon sa ṣalāh sa kabuuan nito hanggang sa makatapos siya nito. Nagsasabi siya, kapag nag-aangat ng likod niya mula sa pagkakayukod, ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)." Pagkatapos nagsasabi siya, habang siya ay nakatayo, ng: "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)."
Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) kapag lilisan siya sa ṣalāh: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay ang pamamaraan ng ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang takbīr ay sa sandali ng bawat pagbaba at pag-angat maliban sa pag-angat mula sa pagkakayukod sapagkat magsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Nakarinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)."
  2. Ang sigasig ng mga Kasamahan sa pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pag-iingat sa Sunnah niya.
Ang karagdagan