عَنِ ابْنَ مَسْعُودٍ رضي الله عنه قَالَ:
عَلَّمَنِي رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَكَفِّي بَيْنَ كَفَّيْهِ، التَّشَهُّدَ، كَمَا يُعَلِّمُنِي السُّورَةَ مِنَ القُرْآنِ: «التَّحِيَّاتُ لِلَّهِ، وَالصَّلَوَاتُ وَالطَّيِّبَاتُ، السَّلاَمُ عَلَيْكَ أَيُّهَا النَّبِيُّ وَرَحْمَةُ اللَّهِ وَبَرَكَاتُهُ، السَّلاَمُ عَلَيْنَا وَعَلَى عِبَادِ اللَّهِ الصَّالِحِينَ، أَشْهَدُ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ، وَأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ».
وفي لفظ لهما: «إِنَّ اللهَ هُوَ السَّلَامُ، فَإِذَا قَعَدَ أَحَدُكُمْ فِي الصَّلَاةِ فَلْيَقُلْ: التَّحِيَّاتُ لِلَّهِ وَالصَّلَوَاتُ وَالطَّيِّبَاتُ السَّلَامُ عَلَيْكَ أَيُّهَا النَّبِيُّ وَرَحْمَةُ اللهِ وَبَرَكَاتُهُ، السَّلَامُ عَلَيْنَا وَعَلَى عِبَادِ اللهِ الصَّالِحِينَ، فَإِذَا قَالَهَا أَصَابَتْ كُلَّ عَبْدٍ لِلَّهِ صَالِحٍ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ، أَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ، ثُمَّ يَتَخَيَّرُ مِنَ الْمَسْأَلَةِ مَا شَاءَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6265]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang ang kamay ko ay nasa pagitan ng mga kamay niya, ang tashahhud kung paanong itinuturo niya sa akin ang kabanata mula sa Qur'ān: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa kanya at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Sa isang pananalita batay sa dalawa: Tunay na si Allāh ay ang Sakdal. Kaya naman kapag naupo ang isa sa inyo sa ṣalāh, sabihin niya: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh.)" Kapag nagsabi siya nito, mapatutungkol ito sa bawat maayos na lingkod ni Allāh sa lupa at langit. [Pagkatapos sabihin:] "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh, at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)" Pagkatapos makapipili siya mula sa mahihiling ng anumang niloloob niya.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6265]
Itinuro ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) ang tashahhud na sinasabi sa ṣalāh. Inilagay nga ng Propeta ang kamay ni Ibnu Mas`ūd sa mga kamay niya upang mabaling ang pansin nito sa kanya gaya ng pagtuturo niya rito ng kabanata mula sa Qur'ān, na nagpapatunay sa pagmamalasakit ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tashahhud na ito sa bigkas at sa kahulugan. Nagsabi siya: "Attaḥīyātu lillāhi (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh,)": Ang mga ito ay bawat sinasabi o ginagawang nagpapahiwatig ng pagdakila, na ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). "wa-ṣṣalawātu (at ang mga dasal)": Ang mga ito ay ang ṣalāh na nakilala, ang tungkulin sa mga ito at ang kusang-loob sa mga ito ay ukol kay Allāh (napakataas Siya). "wa-ṭṭayyibāt (at mga kaaya-aya)": Ang mga ito ay ang mga sinasabi, ang mga ginagawa, at ang mga paglalarawang kaaya-aya at nagpapatunay sa kalubusan, na ang lahat ng mga ito ay karapat-dapat kay Allāh (napakataas Siya). "Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh, (Ang pangangalaga ay sumaiyo, o Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya.)": Isang panalangin para sa kanya ng pagkaligtas sa bawat salot at kinasusuklaman at ng dagdag at dami ng bawat kabutihan. "Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn (Ang pangangalaga ay sa amin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh)": Isang panalangin ng pagkaligtas para sa tagapagsagawa ng ṣalāh at para sa bawat maayos na lingkod sa langit at lupa. "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh,)": Ibig sabihin: Kumikilala ako sa isang tiyakang pagkilala rito na walang sinasambang totoo kundi si Allāh. "wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh (at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)": Kumikilala ako para sa kanya ng pagkamananamba at pagkasugong pangwakas.
Pagkatapos hinimok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang tagapagsagawa ng ṣalāh na mamili mula sa panalangin ng anumang niloob niya.