عن ابن عباس رضي الله عنهما عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «أمِرْت أن أسْجُد على سَبْعَة أعَظُم على الجَبْهَة، وأشار بِيَده على أنْفِه واليَدَين والرُّكبَتَين، وأطْرَاف القَدَمين ولا نَكْفِتَ الثِّياب والشَّعر».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:siya ay nagsabi:((Napag-utusan akong magpatirapa sa pitong bahagi [ng katawan]:At itinuro niya sa kamay niya,ang ilong niya,at dalawang kamay,ang dalawang tuhod,at ang dulo ng dalawang paa,at hindi pagsamahin ang damit at buhok))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng Hadith: "Napag-utusan akong magpatirapa" at sa isang salaysay:" Napag-yusan kami" at sa isang salaysay: " Napag-utusan ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan" at ang lahat ng tatlong salaysay ay kay Imam Al-Bukharie,At ang panuntunan sa Batas ng Islam: Na ang lahat ng naipag-utos sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ito ay para sa kalahatan, sa kanya at sa kanyang Ummah; " Sa pitong bahagi ng katawan" Ibig sabihin ay napag-utusan akong magpatirapa sa pitong bahagi ng katawan,at ang ipinapahiwatig sa buto ay mga bahagi ng katawan sa pagpapatirapa,tulad ng naisalaysay na nagbibigay kahulugan sa ibang salaysay,pagkatapos ay binigyang kahulugan ito sa sinabi niyang: " Sa noo" Ibig sabihin ay napag-utusan akong magpatirapa sa noo,kasama ang ilong,tulad ng napatunayan sa sinabi niya:" At itinuro nito sa kamay niya ang ilong niya" Ibig sabihin ay itinuro nito ang ilong niya upang ipahayag na ito isang bahagi. " At ang dalawang kamay" Ibig sabihin ay: sa ilalim ng dalawang palad ng kamay,tulad ng naipahiwatig sa tinutukoy. " At sa dalawang tuhod at dulo ng dalawang paa" Ibig sabihin ay Napag-utusan akong magpatirapa sa dalawang tuhod at sa dulo ng mga daliri ng dalawang paa,At sa Hadith ni Abe Humayd Assa`edi-malugod si Allah sa kanya-sa kabanata ng paglalarawan sa pagdarasal sa mga bigkasin :( At iniharap niya ang mga daliri ng dalawa niyang paa sa Qiblah) Ibig sabihin:habang siya ay nagpapatirapa."at hindi namin ipunin ang damit at buhok": At ang [salitang] ipunin ay: ang pagsamahin at pag-isahin,At ang kahulugan nito ay:hindi namin pag-iisahin at hindi namin pagsasamahin ang damit at buhok mula sa pagkalat [nito] sa pagyuko at pagpapatirapa,subalit iiwanan namin ito sa kalagayan niya hanggang sa lumatag ito sa lupa,upang makapagpatirapa ang buong bahagi ng katawan pati ang damit at ang buhok.