عَنِ الْبَرَاءِ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِذَا سَجَدْتَ، فَضَعْ كَفَّيْكَ وَارْفَعْ مِرْفَقَيْكَ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 494]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Barā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag nagpatirapa ka, maglapag ka ng dalawang kamay mo at mag-angat ka ng dalawang siko mo."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 494]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kalagayan ng dalawang kamay sa pagpapatirapa sa ṣalāh. Iyon ay hinggil sa paglulugar ng dalawang palad sa lapag at paglalapag nito habang nakadikit ang mga daliri sa pagkakaharap sa qiblah at pagiging ang dalawang siko, ang kasukasuan ng unahang bisig at hulihang bisig, ay mga nakaangat palayo sa pagkadikit sa lapag at mga nakabuka palayo sa dalawang tagiliran.