Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Napag-utusan akong magpatirapa sa pitong bahagi [ng katawan]:At itinuro niya sa kamay niya,ang ilong niya,at dalawang kamay,ang dalawang tuhod,at ang dulo ng dalawang paa,at hindi pagsamahin ang damit at buhok)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa: "Allāhumma –ghfir lī, wa-­rḥamnī, wa-`āfinī, wa-­hdinī, wa-­rzuqnī. (O Allāh, patawarin Mo ako, kaawaan Mo ako, paligtasin Mo ako, patnubayan Mo ako, at tustusan Mo ako.)"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagtataas sa dalawang kamay niya sa tapat ng dalawang balikat niya, kapag siya ay nagbubukas ng pagdarasal,at gayundin kapag siya ay nagbibigkas ng [Allahu Akbar] Ang Allah ay dakila,para sa pagyuko.At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,gayundin ay itinataas niya ang dalawang[kamay niya],
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinuruan ako ng Sugo ni Allah-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Attashahhud,Ang kamay ko sa pagitan ng kamay niya,Tulad ng pagtuturo niya sa akin ng Kabanata mula sa Qur-an,:Ang lahat ng mga pagbati ay para sa Allah,Sumaiyo nawa ang kapayapaan o Propeta at ang Habag at ang pagpapala ni Allah,Ang kapayapaan ay mapasa amin at mapasa mga taong gumagawa ng makatarungang paglilingkod kay Allah,Ako ay sumasaksi na walang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban kay Allah,at Tunay na si Muhammad ay lingkod Niya at Sugo Niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ituwid ninyo [ang inyong katawan] sa pagpatirapa,at huwag ilatag ng isa sa inyo ang kanyang dalawang braso,tulad ng paglatag ng aso [sa kanyang dalawang braso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nag-amen ang imām ay mag-amen kayo sapagkat tunay na ang sinumang natapat ang pag-amen niya sa pag-amen ng mga anghel ay magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagpatirapa ka, maglapag ka ng dalawang kamay mo at mag-angat ka ng dalawang siko mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagpatirapa ang isa sa inyo,huwag siyang lumuhod tulad ng pagluhod ng kamelyo,at ilagay niya ang dalawang kamay niya bago ang dalawang tuhod niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na si Ibn `Umar ay inilalagay niya ang dalawang kamay niya bago ang dalawang tuhod niya,At nagsabi siya: Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay ginagawa ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagdasal ako kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka siya ay bumabati sa dakong kanan niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya)" at sa dakong kaliwa niya ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya)."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay bumigkas sa dalawang rak`ah [na ṣalāh] sa madaling-araw ng Kabanatang Al-Kāfirūn at Kabanatang Al-Ikhlāṣ.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'O mga tao, ginawa ko lamang ito upang sumunod kayo at upang matuto kayo ng pagdarasal ko.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Kapag nagdasal kayo, magtuwid kayo ng mga hanay ninyo, pagkatapos mamuno sa inyo ang isa sa inyo. Kapag nagsagawa siya ng takbīr ay magsagawa kayo ng takbīr
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ako ay talagang higit na malapit sa inyo sa pagkakawangis sa ṣalāh ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tunay na ito noon ay talagang ang ṣalāh niya hanggang sa nakipaghiwalay siya sa Mundo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamasagwa sa mga tao sa pagnanakaw ay ang nagnanakaw ng ṣalāh niya." Nagsabi ito: "Papaano po siyang magnanakaw ng ṣalāh niya?" Nagsabi siya: "Hindi siya nagpapalubos ng pagyukod dito ni ng pagpapatirapa rito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh noon, kapag nag-angat siya ng likod niya mula sa pagkakayukod, ay nagsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa ng: "Rabbi –ghfir lī, rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin; Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,binibigkas niya ang [Allahu Akbar],kapag siya ay tumatayo,pagkatapos ay binibigkas niya ang [Allahu Akbar]", kapag siya ay yumuyuko,Pagkatapos ay sinasabi niyang:Naway dinggin ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,Kapag itinataas niya ang kanyang likod mula sa pagyuko
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Siniyasat ko ang pagdarasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Natagpuan ko na ang pagtindig niya,pagyuko niya,ang pagtuwid niya mula sa pagyuko niya,ang pagpapatirapa niya,ang pag-upo niya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya,ang pagpapatirapa niya,at ang pag-upo niya sa pagitan ng pagsasagawa ng Taslem at pag-alis: ito ay magkakatulad
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Masjid,At pumasok ang isang lalaki at nagdasal,pagkatapos ay dumating siya at bumati sa Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Nagsabi siya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal,Bumalik siya at nagdasal ulit tulad ng kanyang pagdarasal ,Pagkatapos ay dumating siya at bumati sa Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya: Bumalik ka at magdasal ulit,dahil ikaw ay hindi nakapag-dasal-pangatlo beses-Nagsabi siya: At Sumpa sa Nagpadala sa iyo sa katotohanan,wala nang mas-maganda pa maliban dito,Turuan mo ako;Nagsabi siya: Kapag ikaw ay tumindig sa pagdarasal;bigkasin mo ang Allahu Akbar,pagkatapos ay magbasa ka ng pinaka-madali para sa iyo mula sa Qur-an,pagkatapos ay yumuko ka hanggang sa huminahon ka sa pagyuko,pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa huminahon ka sa pagtayo,pagkatapos ay magpatirapa ka hanggang sa huminahon ka sa pagpatirapa,pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa huminahon sa pag-upo,at gawin mo ito sa lahat ng pagdarasal mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdadasal na binubuhat niya si Ama`mah bint Zainab,anak ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
((Katotohanan ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Abu bakar at umar -malugod si Allah sa kanilang dalawa-sila ay nagsisimula sa pagdarasal ng(Alhamdu Lillahi Rabbil A`lameen)" Ang papuri ay ukol kay Allah,Panginoon ng mga nilalang".At sa ibang salaysay:((Nagdasal ako kasama sina Abubakar at Umar at Uthman,at hindi ko narinig mula sa kanila na nagbasa ng(Bismillaher Rahmaner Raheem)"Sa ngalan ni Allah,ang Napakama-awain,ang Maawain".At sa salaysay ni Muslim:((Nagdasal ako sa likod ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Abu bakar at umar at Uthman,at sila ay nagsisimula sa (Alhamdu lillahi rabbil A`lameen)" Ang papuri ay ukol kay Allah,Panginoon ng mga nilalang" at hindi nila binibigkas ang (Bismillaher Rahamaner Raheem)"Sa ngalan ni Allah,ang Napakama-awain,ang Maawain" sa unang basa at sa huli nito.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpadala ng isang lalaki sa hukbo [ng mga kawal],at siya ay nagbabasa sa mga kasamahan niya sa pagdarasal nila,at tinatapos niya sa "Ipagbadya (O Muhammad) siya si Allah ang Nag-iisa"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako at si `Emran bin Husayn sa likod ni `Ali bin Abe Talib,at kapag siya ay nagpapatirapa,Nagdadakila siya [Pagbanggit ng Allah Akbar] at kapag iniangat niya ang ulo niya Nagdadakila siya at kapag bumangon siya mula sa dalawang tindig,Nagdadakila siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagbabasa sa [dasal ng] Maghrib ng Attur
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako ay magdadasal para sa inyo,Ngunit hindi ko nilalayun dito na magdasal [ng obligado], Magdarasal ako, kung papaano ko nakita ang Sugo ni Allah- pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Allāhumma -ghfir lī mā qaddamtu wa mā akhkhartu, wa mā asrartu wa mā a`lantu, wa mā asraftu, wa mā anta a`lamu bihi minnī, anta -lmuqaddimu wa anta -lmu'akhkhiru, lā ilāha illā anta. (O Allāh, patawarin Mo ako sa [kasalanang] naunang nagawa ko at nahuling nagawa ko, [kasalanang] inilihim ko at inihayag ko, at [kasalanang] ipinagmalabis at [kasalanang] Ikaw ay higit na nakaaalam doon kaysa sa akin. Ikaw ay ang nagpapauna at Ikaw ay ang nagpapahuli; walang Diyos kundi Ikaw.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay 'Abdullah bin 'Umar na nagsasabi:((Lumabas ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Qubā upang magdasal rito)),Nagsabi siya:(( Dumating sa kanya ang mga Ansār,Bumati sila sa kanya habang siya ay nagdadasal))Nagsabi siya:Nagsabi ako kay Bilāl: Papaano mo nakita ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan - na sumagot sa kanila nang sila ay bumati sa kanya habang siya ay nagdadasal?" Nagsabi siya:Sinasabi niya na ganito;At ibinuka niya ang kamay niya,at ginawa niyang, ang sa palad nito ay sa ilalim at ang likod nito ay sa ibabaw.Sunan Abē Dawūd
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangangalagaan na nangunguna sa pagdarasal para sa mga tao at si Umāmah bint Abe Al-'Ās at siya ang anak ni Zainab na Anak ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nasa balikat niya, kapag siya ay yumuko,ibinababa niya ito,at kapag tumayo siya mula sa pagpatirapa,ibinabalik niya ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allahsa kanya-nagsabi siya,nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Patayin ninyo ang dalawang itim sa pagdarasal:Ang Ahas at ang Alakdan)) Sunan Abe Dawud
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Rifa-ah bin Ra`fie Azzarqa,at siya ay kabilang sa mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:Dumating ang isang lalaki at ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naka-upo sa Masjid.Nagdasal ito ng malapit sa kanya,pagkatapos ay pumunta siya at bumati sa kanya,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Ulitin mo ang pagdasal mo,sapagkat hindi ka nakapag-dasal,Nagsabi siya: Bumalik siya at nagdasal tulad ng pagdarasal niya,pagkatapos ay pumunta siya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sinabi niya sa kanya:Ulitin mo ang pagdasal mo,sapagkat hindi ka nakapag-dasal" Nagsabi siya: O Sugo ni Allah,ituro mo sa akin kung paano ang gagawin ko,Nagsabi siya:" Kapag nakaharap ka sa Qiblah,ay bigkasin mo ang Allahu Akbar,pagkatapos ay basahin mo ang Ummul Qur-an(Fatihah),pagkatapos ay basahin mo ang kahit anong nais mo,kapag yumuko ka,ilagay mo ang dalawang palad mo sa dalawang tuhod mo,ituwid mo ang iyong likod at manatili ka sa pagyuko mo,kapag itinaas mo ang ulo mo,ituwid mo ang gulugod mo hanggang sa bumalik ang mga buto sa kasukasuan nito,at kapag nagpatirapa ka,manatili ka sa pagtirapa mo,at kapag itinaas mo ang ulo mo,umupo ka sa hita mong kaliwa,pagkatapos ay gawin mo ito sa bawat pagyuko at pagpatirapa.Musnad ni Imam Ahmad.At sa isang salaysay:((Tunay na hindi magiging ganap ang dasal ng isa sa inyo hanggang sa maging ganap sa kanya ang Wudhu tulad ng ipinag-utos sa kanya ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan,huhugasan niya ang mukha nito at kamay nito hanggang sa dalawang siko,at hahaplusin niya ang ulo nito at dalawang paa nito hanggang sa bukong-bukong,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at purihin niya Siya,pagkatapos ay magbasa siya ng Qur-an,sa anumang ipinahintulot sa kanya dito at magaan,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at magpatirapa siya at panatilihin niya ang mukha nito-at siguro ay nagsabi siya: Ang Noo nito sa lupa-hanggang sa mapanatag sa mga kasukasuan nito at makapag-pahinga,pagkatapos ay bigkasin niya ang Allahu Akbar at tumuwid siya na naka-upo sa inu-upuan niya at ituwid niya ang gulugod nito.Inilarawan niya na ganito ang pagdarasal sa apat na tindig,pagkatapos,hindi magiging ganap ang dasal ng isa sa inyo hanggang sa gawin niya ito,Sunan Abe Dawud, At sa isang salaysay:((Mag wudhu ka tulad ng ipinag-utos sa iyo ni Allah- kapita-pitagan at kamahal-mahalan,pagkatapos ay magsagawa ka ng Tashahhud,tumindig ka pagkatapos ay bigkasin mo ang Allahu Akbar,At kung may naisa-ulo ka sa Qur-an ay basahin ito,At kung wala ay bigkasin ang Alhamdulillah at Allahu Akbar at La Ilaha Illa Llah)) Sunan Abe Dawud
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Muhammad bin `Ata,Nagsabi siya:Narinig ko si Aba Humayd Al-Sa`edi,sa Sampu,mula sa mga Kasamahan ng mga Propeta,kabilang sa kanila si Abu Qatada,Nagsabi si Abu Humayd: Ako ang mas higit na nakaka-alam sa inyo sa (Pamamaraan ng) pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at panagalagaan-Nagsabi sila?At bakit naman?Sumpa kay Allah; Hindi ikaw ang mas madalas, kaysa sa amin na sa kanya ay sumusunod at hindi rin mas nauuna sa amin, na sa kanya ay nakasama,Nagsabi siya: Oo.Nagsabi sila: Ipakita mo, Nagsabi siya: Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay tumindig sa pagdarasal,itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Takber hanggang sa mapanatag ang lahat ng mga buto sa kinalalagyan nito nang matuwid,Pagkatapos ay magbabasa siya,Pagkatapos ay magsasagawa siya ng Takber,at itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya,Pagkatapos ay yuyuko siya,at ilalagay niya ang dalawang kamay niya sa dalawang tuhod niya,pagkatapos ay pinagpapantay niya ito,hindi niya ibinababa ang ulo nito at hindi itinataas,Pagkatapos ay ini-aangat niya ang ulo niya at sinasabing: Narinig ni Allah ang sinumang pumupuri sa kanya,pagkatapos ay itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya nang matuwid,Pagkatapos ay sasabihin niyang: Ang Allah ay Dakila;Pagkatapos ay bababa siya sa lupa,at inilalayo nito ang dalawang kamay niya sa tagiliran niya,Pagkatapos ay ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito,At binubuka nito ang mga daliri ng dalawang paa niya kapag siya ay nakapagtirapa,at nagpatirapa siya,Pagkatapos ay sinasabi niya: Ang Allah ay Dakila,at ini-aangat nito ang ulo niya at binabaliktad nito ang kaliwang paa niya at inuupuan niya ito hanggang sa bumalik ang lahat ng buto sa kinalalagyan nito,Pagkatapos ay ginagawa niya sa iba ang tulad nito,Pagkatapos,Kapag siya ay tumindig mula sa ikalawang tindig,magsasagawa siya ng Takber,at itinataas niya ang dalawang kamay niya hanggang sa maipantay niya ang dalawang ito sa balikat niya tulad ng pagsasagawa niya ng Takber sa Pagbubukas ng Pagdarasal,Pagkatapos ay ginagawa niya ito sa mga natitirang pagdarasal niya,Kapag ang pagpapatirapa ay may kasunod na pagsasagawa ng Taslem,Ipinagpapahuli niya ang kaliwang paa nito at umuupo siya na (nakasandal sa balakang) sa may bandang kaliwa.Nagsabi sila:Katotohanan,Ganyan ang Pagdadasal niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sunan Abu Dawud [ Pinagmulan nito ay si Imam Al-Bukharie]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbubungad sa pagdarasal ng Pagdadakila [kay Allah],At pagbabasa ng Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang,At kapag siya ay yumuko, hindi niya [masyadong] itinataas ang ulo niya at hindi niya [masyadong] ibinababa ito,ngunit sa pagitan nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal ako kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at inilagay niya ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya sa dibdib niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
tunay na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at si Abū Bakar at si 'Umar,ay binubuksan nila ang pagdarasal sa {Ang lahat ng Papuri ay sa Allah, Panginoon ng lahat ng nilikha}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabasa sa Dhuhr sa unang dalawa ng Ummul Kitab [Al-Fatihah],at dalawang kabanata,At sa ibang dalawang tindig ng Ummul Kitab [Al-Fatihah],at ipinaparinig niya sa amin ang mga talatang [ito]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinusukat namin ang pagtayo ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Al-Dhuhr at Al-`Asr,nasukat namin ang pagtayo niya sa unang dalawang tindig sa Al-Dhuhr,tulad ng sukat ng Alif Lam Mim,pagpapahayag,[Kabanata ng] Assajdah,at nasukat namin ang pagtayo niya sa ibang dalawang tindig,na kasing sukat ng kalahati nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ako nakapagdasal sa likod ng isa na kahalintulad sa pagdarasal ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-maliban kay pulano,nagdasal kami sa likod ng Taong yaon,at katotohanang hinahabaan niya ang unang dalawang (tindig) sa dasal ng Tanghali (Dhuhr),at pinagagaan niya ang dalawang iba rito.At pinagagaan niya ang dasal ng Hapon (Al-Asr),At nagbabasa siya sa dasal na Maghrib nang maiikling (kabanata) na nagkakahiwalay.At nagbabasa siya sa dasal na Eisha nang{ Ako ay nanunumpa sa araw at sa kanyang marilag na liwanag} at ang mga katulad pa nito (sa haba).At nagbabasa siya sa madaling-araw (Assubh) nang dalawang mahabang kabanata.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na siya ay nagbabasa sa Maghrib ng Attur,at nang dumating siya sa talatang: { Sila bay nilikha mula sa wala? O sila baga sa kanilang sarili ay manlilikha?O sila baga ay lumikha ng kalangitan at kalupaan? Hindi,sila ay walang matatag na pananalig.O nasa kanila ba ang mga kayamanan [Panustos] ng inyong Panginoon?O sila ba ang tagapamahala [tagapagsunod nila]?} Nagsabi siya: Muntik ng lumipad ang puso ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagdarasal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagyuko niya,[at gayundin] kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,at ang pagpapatirapa niya, At sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa niya ay malapit sa pagkakapareho
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay yumuyuko,ay ibinubuka niya ang mga daliri nito,at kapag siya ay nagpatirapa ay pinagdidikit niya ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang nakita niya ang Propeta-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Kapag siya ay nasa dasal na Witr sa pagdarasal niya,Hindi siya tumatayo hanggang sa mapagpantay niya ang kanyang pag-upo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanalangi ng isang buwan pagkatapos yumuko,Nanalangin siya sa mga tribu mula sa mga Anak ni Sulaym,Nagsabi siya: Nagpadala siya ng Apatnapo-o Pitumpo nag-aalinlangan siya rito-mula sa mga [mahusay na]Tagabasa[ at nakasa-ulo ng Qur-an] sa mga tao na Walang pananampalataya,ipinadala sila sa kanila,ngunit pinatay lang sila,At sa pagitan nila at pagitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Kasunduan,Hindi kopa siya nakitang magalit sa isang tao tulad ng pagkagalit niya sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan : ay hindi nanalangin sa [Qunut] maliban kapag ipinapanalangin niya ang mga taong [Muslim] o ipinapanalangin niya ang mga taong [Hindi mananampalataya]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O aking ama! Tunay na nakapagdasal ka sa likod ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ni Abu Bakar,`Umar,`Uthmanat `Ali doon sa Al-Kufah,sa loob ng limang taon (( Sila ba ay nananalangin ng Qunut sa Al-Fajr)) Nagsabi siya: O aking anak,ito ay makabago [sa relihiyon]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay umupo, siya ay nananalangin,at inilalagay niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan,at ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa,at itinuro nito ang daliri niyang hintuturo,at inilalagay niya ang hinlalaki niya sa daliri niyang hinlalato,at itinikom niya ang kaliwang kamay niya sa tuhod niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagyuko sa huling tindig mula sa dasal ng Al-Fajr: (( O Allah! Sumpain mo si pulano at pulano)) pagkatapos niyang sabihin ang: (Nawa`y dinggin ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya,Panginoon namin,sa Iyo ang lahat ng Kapurihan)) Ibinaba ni Allah [ang talatang]:{ Ikaw [O Muhammad] ay walang kapangyarihan [ sa mga hindi sumasampalataya]}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, iligtas Mo si `Ayyāsh bin Abī Rabī`ah. O Allah, iligtas mo si Salamah bin Hishām. O Allah, iligtas Mo si Al-Walīd bin Al-Walīd. O Allah, iligtas Mo ang mga pinahihinang kabilang sa mga mananampalataya. O Allah, tindihan Mo ang tapak Mo sa [liping] Muḍarr. O Allah, gawin Mo itong mga taon gaya ng mga taon [ng taggutom ni Propeta] Jose.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbubungad sa pagdarasal ng Pagdadakila [kay Allah],At pagbabasa ng Ang lahat ng Kaluwalhatian at Pagpupuri ay kay Allah,Ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang,At kapag siya ay yumuko, hindi niya [masyadong] itinataas ang ulo niya at hindi niya [masyadong] ibinababa ito,ngunit sa pagitan nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay magtakbeer (magsabi ng Allahu akbar) itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang maihanay niya sila sa dalawang tainga niya, at kapag siya mag-rukuw' (yuyuko) itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang maihanay niya sila sa dalawang tainga niya, at kapag itinaas niya ang kanyang ulo mula sa pag-yuko (rukuw'), at sasabihin niya: SAMEE'ALLAHU LIMAN HAMIDAH ay gagawin niya katulad niyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu