عن عبد الله بن الزُّبير رضي الله عنهما قال: «كان رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا قَعد يَدْعُو، وضع يَده اليُمْنَى على فخِذِه اليُمْنَى، ويَده اليُسْرَى على فخِذِه اليُسْرَى، وأشَار بِإِصْبَعِهِ السَّبَّابَة، ووضَع إبْهَامَه على إِصْبَعِهِ الوُسْطَى، ويُلْقِم كَفَّه الْيُسْرَى رُكْبَتَه».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullah bin Zubayr-malugod si Allah sa kanilang dalawa- ay nagsabi:((Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay umupo, siya ay nananalangin,at inilalagay niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan,at ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa,at itinuro nito ang daliri niyang hintuturo,at inilalagay niya ang hinlalaki niya sa daliri niyang hinlalato,at itinikom niya ang kaliwang kamay niya sa tuhod niya.))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang kahulugan ng Hadith: "Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay umupo, siya ay nananalangin" ibig sabihin ay: umupo siya sa pagsasagawa ng Tashahhud,at pinagtitibay ito sa Hadith ni Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-:( Kapag siya ay umupo upang magsagawa ng Tashahhud,inilalagay niya ang kamay nitong kaliwa sa tuhod nitong kaliwa) Isinaysay ito ni Imam Muslim, At ang Tashahhud ay ang pagbasa ng:"Ang lahat ng mga pagbati ay para sa Allah,ang mga dasal at ang mga mabubuting bagay ay para sa Allah,Sumaiyo nawa ang Pangangalaga o Propeta at ang habag at ang pagpapala ni Allah,Ang Pangangalaga ay mapasa-amin at mapasa mga ( taong) gumagawa ng mga makatarungang (paglilingkod sa Allah)" at tinawag itong pananalangin dahil sa pagpapaloob rito ng mga panalangin,sapagkat ang sinabi niya: " Sumaiyo nawa ang pangangalaga" at " Mapasa-amin ang pangangalagan" ay Panalangin. Sinabi niya:"inilalagay niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan,at ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa": Ibig sabihin ay; Kapag umupo siya upang magsagawa ng Tashahhud,ipinapalad niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan at gayundin ang kaliwa,at ang layunin sa paglagay rito sa tuhod o sa ibabaw ng tuhod o sa hita,ay pagpipigil rito sa panghihina,at ang paglalagay ng kamay sa hita ay hindi sumasalungat sa paglagay nito sa tuhod,sapagkat kabilang sa pagpapanatili sa paglagay ng kamay nito sa hita,ang pag-abot ng dulo ng mga daliri nito sa tuhod,At sa isang salaysay ni Wael ibn Hujr-malugod si Allah sa kanya-ayon sa (salaysay ni Imam An-Nisa-ie at sa mga kasamahan niya,Na ang Propeta-pagpalain siya ji Allah at pangalagaan-:((Inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa hita niya at kaliwang tuhod niya,at inilagay niya ang dulo ng siko niyang kanan sa hita niyang kanan," At ang sinabi niya-malugod si Allah sa kanya;"inilagay niya ang dulo ng siko niyang kanan sa hita niyang kanan" Kapag inilagay ng taong nagdarasal ang dulo ng siko niya sa hita niya,tunay na walang pagdududa,Na ang mga dulo ng mga daliri niya ay aabot hanggang sa tuhod.Nagsabi si Imam An-Nawawie,kaawaaan siya ni Allah-Napagkaisahan ng mga may kaalaman ang kainaman ng paglagay rito sa tuhod o sa ibabaw ng tuhod,at ang iba ay nagsasabi,sa pagdikit ng mga daliri nito sa tuhod,at ito ang kahulugan ng sinabi niya:at "itinikom niya ang kaliwang kamay niya sa tuhod niya" at ang sinabi niya: " at inilagay niya ang kamay niya" ang ipinapahiwatig sa kamay dito ay: mula sa dulo ng mga daliri hanggang sa siko,at sa nakikita sa Hadith: Maging ito man ay sa Unang Tashahhud o sa pangalawa.Ang sinabi niyang: "at itinuro nito ang daliri niyang hintuturo" at sa isang salaysay din ni Imam Muslim,mula sa Hadith ni `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang Sugo ni Alla-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay umupo upang magsagawa ng Tashahhud,inilalagay niya ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa,at inilalagay niya ang kamay niyang kanan sa hita niyang kanan,at binibilog niya ng limamput-tatlo at itinuturo niya ang hintuturo" At ang katulad nito: Hadith ni Wael bin Hujr-maugod si Allah sa kanya-mula sa salaysay ni Imam Abu Dawud,at nabibilang rito:(( Pagkatapos ay umupo siya pinatag nito ang kaliwang paa niya,at inilagay niya ang kamay niyang kaliwa sa hita niyang kaliwa at inilagay ang dulo ng siko niyang kanan sa hita niyang kanan,at pianghawak niya ang dalawa at binilig ito ng pabilog,at nakita kong nagsabi siya ng ganito: at binilog niya ang dulo balat ng hinlalaki at ang hinlalato at itinuro ang hintuturo" Nagsabi si Ibn Hajr-kaawaan siya ni Allah-;" mula sa unang pag-upo nito sa pagsasagawa ng Tashahhud,tulad ng naipatunay rito ng iba pang mga salaysay",at ito ang ipinag-bigay alam sa Fatwah ni Shiekh ibn Baz-kaawaan siya ni Allah-at ng Lajnatu Da-emah.Ang sinabi niya:" at inilalagay niya ang hinlalaki niya sa daliri niyang hinlalato" ibig sabihin ay:binilog niya ang hinlalaki niya at ang hinlalato at itinuturo niya ang Hintuturo.Ang sinabi niya:" at itinuro niya ang daliri niya: ibig sabihin ay:itinuturo niya ang hintuturo;at ito ay gawin niyang gaganapin niya sa lahat ng sitwasyong nauna.at ang layunin sa pagtuturo rito,Na ang sinasamba,Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya ay Nag-iisa,upang pagsamahin sa Pagpapa-isa niya ang salita at gawa at paniniwala, At sa Hadith ni Ibn`Umar na -Marfu-sa Musnad ni Imam Ahmad;" tunay na ito mas matindi kay Satanas mula sa bakal".Ang sinabi niyang" at itinuro niya ang daliri nito" Ang nakikita sa Hadith: Na ito ay hindi niya iginagalaw; dahil ang pagtuturo ay iba sa pagpapagalaw, Ang sinabi niyang: ",at itinikom niya ang kaliwang kamay niya sa tuhod niya" ibig sabihin ay:ipinapasok niya ang tuhod niya sa palad ng kamay niyang kaliwa at hinaawakan niya ito,hanggang sa maging ang tuhod nito ay parang subo sa kamay niya. At ang pangalawang sitwasyon: ay ang ipalad ang kamay niyang kaliwa sa tuhod nito na hindi niya hinahawakan tulad ng nasa Hadith ni Ibn Umar-malugod si Allah sa kanya-sa salaysay ni Imam Muslim: "Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay; kapag siya ay umupo sa pagdarasal,inilalagay niya ang kamay niya sa tuhod niya at ang kamay niyang kaliwa sa tuhod niyang kaliwa na ipinapalad niya rito" At dahil rito: Ang Sunnah sa paglalagay ng dalawang kamay sa pagsasagawa ng Tashahhud ay naiulat sa dalawang sitwasyon,at kahit saan rito ang kunin ay tunay na naitama ang Sunnah, ngunit pinaka-una at pinaka-mainam ay ang isagawa ito minsan, at ito naman minsan,bilang pagsasakatuparan sa lahat ng naisalaysay mula sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan