عن مُطَرِّفِ بن عبد الله قال: « صَلَّيْتُ أنا وعِمْرَانُ بْنُ حُصَيْنٍ خَلْفَ علِيِّ بنِ أَبِي طالب، فكان إذا سجد كَبَّرَ، وإذا رفع رأسه كَبَّرَ، وإذا نهض من الركعتين كَبَّرَ، فلمَّا قضَى الصلاةَ أَخَذَ بيدَيَّ عِمْرَانُ بْنُ حُصَيْنٍ، وقال: قد ذكَّرني هذا صلاةَ محمد صلى الله عليه وسلم أو قال: صَلَّى بنا صلاة محمد صلى الله عليه وسلم ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Mutarrif bin `Abdullah,Nagsabi siya:(( Nagdasal ako at si `Emran bin Husayn sa likod ni `Ali bin Abe Talib,at kapag siya ay nagpapatirapa,nagdadakila siya [Pagbanggit ng Allah Akbar] at kapag iniangat niya ang ulo niya ,nagdadakila siya at kapag bumangon siya mula sa dalawang tindig,nagdadakila siya ,At nang matapos ang pagdarasal,kinuha ni `Emran bin Husayn ang kamay ko at nagsabi siya: Ipinapaalala sa akin nito ang pagdarasal ng Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- o Sinabi niyang: Nagdasal siya sa atin,na tulad ng pagdarasal ni Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Sa Hadith na ito ay pagpapahayag ng mga palatandaan sa Pagdarasal, at ito ang pagpapanatili sa Pagdadakila at pagbabanal sa Allah napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya at ito ay sa pamamagitan ng Pagdadakila:Sinasabi ni Mutarrif na nagdasal siya at si `Emran bin Husayn sa likod ni `Ali bin Abe Talib at siya ay nagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] sa pagbaba niya sa pagpapatirapa,pagkatapos ay nagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] siya kapag itinataas niya ang ulo niya mula sa pagpapatirapa,At kapag siya ay tumayo mula sa pagsasagawa niya ng Unang Tashahhud sa pagdarasal na may dalawang pagsasaksi,Nagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] siya sa kalagayan ng pagtayo niya,At tunay na iniwan ng karamihan sa mga tao ang paghahayag ng pagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] sa kalagayang ito,At nang matapos isya sa pagdarasal,Kinuha ni `Emran ang kamay ni Mutarrif,At sinabi niya na si `Ali ay-malugod si Allah sa kanya- ay pinaalala niya sa kanya sa pagdarasal niyang ito ang pagdarsal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Sapagkat siya ay nagdadakila [Pagbanggit ng Allah Akbar] sa kalagayang ito