+ -

عن عُثْمَانَ بْنَ أَبِي الْعَاصِ رضي الله عنه:
أنه أَتَى النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ، إِنَّ الشَّيْطَانَ قَدْ حَالَ بَيْنِي وَبَيْنَ صَلَاتِي وَقِرَاءَتِي يَلْبِسُهَا عَلَيَّ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «ذَاكَ شَيْطَانٌ يُقَالُ لَهُ خِنْزَِبٌ، فَإِذَا أَحْسَسْتَهُ فَتَعَوَّذْ بِاللهِ مِنْهُ، وَاتْفُلْ عَلَى يَسَارِكَ ثَلَاثًا»، قَالَ: فَفَعَلْتُ ذَلِكَ فَأَذْهَبَهُ اللهُ عَنِّي.

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2203]
المزيــد ...

Ayon kay `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya):
{Siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay humarang nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko at pagbigkas ko, habang nagpapatuliro nito sa akin." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, magpakamapagpakupkop ka kay Allāh laban sa kanya at lumura ka sa kaliwa mo nang tatlong ulit." Nagsabi ito: "Kaya gumawa ako niyon saka nag-alis niyon si Allāh sa akin."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2203]

Ang pagpapaliwanag

Pumunta si `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang demonyo ay bumalakid nga sa pagitan ko at ng ṣalāh ko, nagkait nga sa akin ng kataimtiman dito, nagpalito nga sa akin sa pagbigkas ko, at nagpaduda nga sa akin dito." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyan ay demonyong tinatawag na Khinzab. Kaya kapag nakadama ka sa kanya, mangunyapit ka kay Allāh, manalangin ka kay Allāh ng pagkupkop laban diyan, at umihip ka sa kaliwa mo kasama ng kaunting laway nang tatlong ulit." Nagsabi si `Uthmān: "Kaya ginawa ko ang ipinag-utos sa akin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka inalis iyon ni Allāh sa akin."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kahalagahan ng kataimtiman at pagdalo ng puso sa pagsasagawa ng ṣalāh at na ang demonyo ay nagsusumikap sa pambubulabog at pagpapaduda rito.
  2. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapakamapagpakupkop laban sa demonyo sa sandali ng panunulsol nito sa pagsasagawa ng ṣalāh kasama ng paglura sa kaliwa nang tatlong ulit.
  3. Ang paglilinaw sa gawi ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) na pagsangguni nila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nangyayari sa kanila na mga suliranin, nang sa gayon lumutas siya nito para sa kanila.
  4. Ang buhay ng puso ng mga Kasamahan at na ang alalahanin nila ay ang Kabilang-buhay.
Ang karagdagan