+ -

عَنْ أَبِي أُمَامَةَ الْبَاهِلِيِّ رضي الله عنه قَالَ:
جَاءَ رَجُلٌ إِلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: أَرَأَيْتَ رَجُلًا غَزَا يَلْتَمِسُ الْأَجْرَ وَالذِّكْرَ، مَا لَهُ؟ فَقَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «لَا شَيْءَ لَهُ» فَأَعَادَهَا ثَلَاثَ مَرَّاتٍ، يَقُولُ لَهُ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «لَا شَيْءَ لَهُ» ثُمَّ قَالَ: «إِنَّ اللَّهَ لَا يَقْبَلُ مِنَ الْعَمَلِ إِلَّا مَا كَانَ لَهُ خَالِصًا، وَابْتُغِيَ بِهِ وَجْهُهُ»

[صحيح] - [رواه النسائي] - [سنن النسائي: 3140]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Umāmah Al-Bāhilīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Nagsaalang-alang ka ba sa isang lalaking sumalakay habang naghahanap ng pabuya at katanyagan? Ano ang para sa kanya?" Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anuman para sa kanya." Kaya umulit ito niyon nang tatlong ulit habang nagsasabi naman dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anuman para sa kanya." Pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na si Allāh ay hindi tumatanggap ng gawa maliban na ito ay naging wagas ukol sa Kanya at hinangad dito ang kaluguran ng mukha Niya."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy] - [سنن النسائي - 3140]

Ang pagpapaliwanag

May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magtanong sa kanya at humiling ng pasya sa kanya tungkol sa kahatulan sa lalaki na humayo para sa pagsalakay at pakikibaka habang naghahangad ng pabuya mula kay Allāh at pagkaibig sa papuri at pagbubunyi sa mga tao kung magkakamit ba siya ng pabuya. Kaya sumagot dito ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang anumang para rito na pabuya dahil nagtambal ito sa layunin nito ng iba pa kay Allāh. Kaya umulit ang lalaki ng tanong nito nang tatlong ulit sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang sumasagot naman siya rito at nagbibigay-diin dito ng mismong sagot na walang pabuya para sa kanya. Pagkatapos nagpabatid dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa panuntunan ng pagtanggap ng gawa sa ganang kay Allāh at na si Allāh ay hindi tumatanggap ng gawa maliban na ito sa kabuuan nito ay maging para kay Allāh nang hindi nagtatambal dito ng isa man at ito ay maging ukol sa kaluguran ng mukha ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Sinhala Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Hindi tumatanggap si Allāh mula sa mga gawain malibang ito ay naging wagas ukol kay Allāh (napakataas Siya) at alinsunod sa patnubay ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
  2. Bahagi ng kagandahan ng pagsagot ng tagapagpasya na ang pasya niya ay maging matapat sa layon ng tagapagtanong at may karagdagan.
  3. Ang pagbibigay-diin sa mabigat na usapin sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit ng tanong tungkol dito.
  4. Ang totoong nakikibaka ay ang sinumang nakibaka upang ang salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at dahil sa paghahangad ng pabuya at maigagantimpalang pangkabilang-buhay kasabay ng pagpapawagas ng layunin, hindi upang ang pakikibaka niya ay maging alang-alang sa kamunduhan.