عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمِنين رَضيَ اللهُ عنها قَالَتْ:
كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَسْتَفْتِحُ الصَّلَاةَ بِالتَّكْبِيرِ، وَالقِرَاءَةِ، بِـ الحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ العَالَمِينَ، وَكَانَ إِذَا رَكَعَ لَمْ يُشْخِصْ رَأْسَهُ وَلَمْ يُصَوِّبْهُ، وَلَكِنْ بَيْنَ ذَلِكَ، وَكَانَ إِذَا رَفَعَ رَأْسَهُ مِنَ الرُّكُوعِ لَمْ يَسْجُدْ حَتَّى يَسْتَوِيَ قَائِمًا، وَكَانَ إِذَا رَفَعَ رَأْسَهُ مِنَ السَّجْدَةِ لَمْ يَسْجُدْ حَتَّى يَسْتَوِيَ جَالِسًا، وَكَانَ يَقُولُ فِي كُلِّ رَكْعَتَيْنِ التَّحِيَّةَ، وَكَانَ يَفْرِشُ رِجْلَهُ اليُسْرَى وَيَنْصِبُ رِجْلَهُ اليُمْنَى، وَكَانَ يَنْهَى عَنْ عُقْبَةِ الشَّيْطَانِ، وَيَنْهَى أَنْ يَفْتَرِشَ الرَّجُلُ ذِرَاعَيْهِ افْتِرَاشَ السَّبُعِ، وَكَانَ يَخْتِمُ الصَّلَاةَ بِالتَّسْلِيمِ.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 498]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapasimula ng salah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng takbir at pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥah. Kapag yumukod siya, hindi siya nagtataas ng ulo niya at hindi siya nagbababa nito, subalit sa pagitan niyon. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakatayo. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya habang nakaupo. Nagsasabi siya sa bawat dalawang rak`ah ng tashahhud. Naglalatag siya ng kaliwang paa niya at nagtutukod siya ng kanang paa niya. Sumasaway siya laban sa [pag-upo sa] sakong ng demonyo at sumasaway siya laban sa paglapag ng lalaki ng mga braso niya gaya ng paglapag ng mabangis na hayop. Nagpapawakas siya ng salah sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslīm.}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 498]
Bumanggit ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ng pagsasagawa ng salah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na siya ay nagpapasimula ng salah niya sa pamamagian ng pagsasagawa ng takbir ng pagpapasimula sapagkat nagsasabi siya ng: "Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila)" at nagpapasimula ng pagbigkas ng Kabanatang Al-Fātiḥh: {Alḥmdu lillāhi rabbi -l`ālamīn ... (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang ...)} Kapag yumukod siya matapos ng pagkakatayo, hindi siya nag-aangat ng ulo niya at hindi siya nagbaba nito sa sandali ng pagkayukod; bagkus gumawa siya nito na nakapuwestong tuwid. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod, tumutuwid siya habang nakatayo bago siya magpatirapa. Kapag nag-angat siya ng ulo niya mula sa pagkakapatirapa, hindi siya nagpapatirapa ng ikalawa hanggang sa pumirmi siya habang nakaupo. Nakaupo siya matapos ng bawat dalawang rak`ah para sumambit ng tashahhud at nagsasabi siya ng: "At-taḥīyātu lillāh wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt … (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, ang mga dasal, at ang mga mabuting bagay …)" Kapag naupo siya sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa o para sa tashahhud, naglalatag siya ng kaliwang paa niya, umuupo rito, at nagtutukod ng kanang paa niya. Sumasaway siya na maupo ang nagdarasal sa salah niya gaya ng pag-upo ng demonyo. Iyon ay sa pamamagitan ng paglatag niya ng mga paa niya sa lapag at pag-upo niya sa mga sakong niya o pagdiit niya ng mga pigi niya sa lapag at pagtukod ng mga binti niya at paglagay niya ng mga kamay niya sa lapag gaya ng paglatag ng aso; o na maglatag ang nagdarasal ng mga braso niya at mag-unat ng mga ito sa pagpapatirapa gaya ng paglatag ng mga mabangis na hayop. Nagpapawakas siya ng salah niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng taslim, na pagsabi ng: "As-salāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)" habang lumilingon sa kanan nang isang ulit at nang isa pa sa kaliwa.