+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ نَسِيَ صَلَاةً فَلْيُصَلِّ إِذَا ذَكَرَهَا، لَا كَفَّارَةَ لَهَا إِلَّا ذَلِكَ: {وَأَقِمِ الصَّلاةَ لِذِكْرِي} [طه: 14]».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 597]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang nakalimot ng isang ṣalāh ay magdasal nito kapag nakaalaala nito; walang panakip-sala para rito kundi iyon (Qur'ān 20:14): {...at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.}"}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 597]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakalimot sa pagganap ng alinmang ṣalāh na isinatungkulin hanggang sa lumampas ang oras nito, kailangan sa kanya na magdadali-dali at magmabilis sa pagbabayad-pagsasagawa nito sa sandali ng pagkasaalaala nito sapagkat walang pagbura at pagtatakip sa isang pagkakasala ng pag-iwan nito maliban na dasalin ito ng Muslim sa sandali ng pagkasaalaala nito. Nagsabi si Allāh sa Marangal na Aklat niya: {at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin} (Qur'ān 20:14) Ibig sabihin: magsagawa ka ng ṣalāh na nakalimutan kapag nakaalaala ka nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa kahalagahan ng ṣalāh at ang hindi pagwawalang-bahala sa pagganap nito at pagbabayad-pagsasagawa nito.
  2. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli ng ṣalāh lampas sa oras nito nang sadyaan nang walang maidadahilan.
  3. Ang pagkakinakailangan ng pagbabayad-pagsasagawa ng ṣalāh sa nakalimot kapag nakaalaala siya at sa natutulog kapag nagising siya.
  4. Ang pagkakinakailangan ng pagbabayad-pagsasagawa ng mga ṣalāh kaagad-agad kahit pa sa mga oras na bawal ang ṣalāh.