عن عمرو بن شُعيب عن أبيه عن جدِّه قال: قال رسولُ الله صلى الله عليه وسلم:
«مُرُوا أولادكمِ بالصلاةِ وهم أبناءُ سبعِ سِنينَ، واضرِبوهم عليها وهم أبناءُ عَشرٍ، وفرِّقوا بينهم في المَضاجِعِ».
[حسن] - [رواه أبو داود] - [سنن أبي داود: 495]
المزيــد ...
Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Mag-utos kayo sa mga anak ninyo ng pagdarasal kapag sila ay pitong taong gulang at mamalo kayo sa kanila dahil dito kapag sila ay sampung taong gulang. Magpahiwalay kayo sa kanila sa mga higaan."}
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud] - [سنن أبي داود - 495]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kailangan sa ama na mag-utos sa mga anak niya, na mga lalaki at mga babae, na magsagawa ng ṣalāh kapag ang mga edad nila ay pitong taon at magturo sa kanila ng kinakailangan nila para sa pagpapanatili ng mga ito. Kapag umabot sila sa edad na sampung taon, magdididiin siya sa pag-uutos sapagkat mamamalo siya sa pagkukulang sa mga ito. Magpapahiwalay siya sa kanila sa mga higaan.