+ -

عَنْ ‌مَحْمُودِ بْنِ لَبِيدٍ رضي الله عنه:
أَنَّ ‌عُثْمَانَ بْنَ عَفَّانَ أَرَادَ بِنَاءَ الْمَسْجِدِ فَكَرِهَ النَّاسُ ذَلِكَ، وَأَحَبُّوا أَنْ يَدَعَهُ عَلَى هَيْئَتِهِ، فَقَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ: «مَنْ بَنَى مَسْجِدًا لِلهِ بَنَى اللهُ لَهُ فِي الْجَنَّةِ مِثْلَهُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 533]
المزيــد ...

Ayon kay Maḥmūd bin Labīd (malugod si Allāh sa kanya):
{Si `Uthmān bin `Affān ay nagnais na [muling] ipatayo ang Masjid [ng Propeta] ngunit kinasuklaman ng mga tao iyon at inibig nila na hayaan niya iyon sa anyo niyon. Kaya naman nagsabi siya: "Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: 'Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid para kay Allāh, magpapatayo si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng tulad nito.'"}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 533]

Ang pagpapaliwanag

Nagnais si `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) na mag-ulit ng pagkakapatayo ng Masjid ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang anyong higit na maganda kaysa sa unang pagkakapatayo nito ngunit kinasuklaman ng mga tao iyon dahil sa dulot niyon na pagpapaiba sa pagkakapatayo ng Masjid buhat sa anyo ng gusali nito sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang Masjid ay ipinatayo sa pamamagitan ng tisa at ang bubong nito ay yari sa palapa subalit si `Uthmān ay nagnais na magpatayo nito sa pamamagitan ng mga bato at palitada. Kaya nagpabatid sa kanila si `Uthmān (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagpatayo ng isang masjid dala ng paghahangad ng kaluguran ni Allāh (napakataas Siya), hindi dala ng pagpapakitang-tao ni pagpapahanga, gaganti sa kanya si Allāh ng higit na mainam na ganti kaysa sa uri ng gawain niya. Ang ganting ito ay ang pagpapatayo ni Allāh para sa kanya ng tulad niyon sa Paraiso.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagpapatayo ng mga masjid at ang kainaman niyon.
  2. Ang pagpapaluwang ng masjid at ang pagpapanibago nito ay napaloloob sa kainaman ng pagpapatayo.
  3. Ang kahalagahan ng pagpapakawagas kay Allāh (napakataas Siya) sa lahat ng mga gawain.