عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ: أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«صَلَاةٌ فِي مَسْجِدِي هَذَا خَيْرٌ مِنْ أَلْفِ صَلَاةٍ فِيمَا سِوَاهُ إِلَّا الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1190]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1190]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kainaman ng pagsasagawa ng ṣalāh sa Masjid niya at na ito ay higit na mainam sa gantimpala kaysa sa isang libong ṣalāh sa mga masjid ng Daigdig, na iba pa sa Masjid na ito, maliban sa Masjid na Pinakababanal sa Makkah sapagkat iyon ay higit na mainam kaysa sa ṣalāh sa Masjid niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).