Talaan ng mga ḥadīth

Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang mga araw na ang maayos na gawain sa mga iyon ay higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mga araw na ito." Tumutukoy siya sa unang sampung araw [ng Dhulḥijjah]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Itinayo ang Islām sa lima
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang isang `umrah sa Ramaḍān ay tumutumbas sa isang ḥajj o isang ḥajj kasama ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Subalit ang pinakamainam na Pakikibaka ay ḥajj na tanggap.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinag-utos niya sa mga tao,na ang maging huling pagtatagpo nila ay sa Tahanan [ng Allah],subalit hindi niya isinali rito ang babaing may regla
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang paglikas matapos ang pagsakop ngunit may pakikibaka at layunin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ipinapahintulot sa isang babaing naniniwala sa Allah at sa kabilang buhay na maglakbay sa loob ng isang araw at isang gabi na wala kasamang mahram [asawa o kamag-anak na lalaking ipinagbabawal sa kanya na maging asawa]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Talbiyah (pagganap, pagtalima) ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Labbayka Allahumma labbayk, Labbayka la shareeka laka labbayk, Innalhamda wan ni'mata laka wal mulk, la shareeka lak.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh doon ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah. Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang may alay na iaalay, kapag dumating ang bagong buwan ng Dhulḥijjah, huwag nga siyang kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang pag-aayuno sa dalawang araw: Al-Fitr [Eid pagkatapos sa buwan ng Ramadhan] at Al-Adha [Eid sa ika sampung-araw ng Hajj],At walang pagdarasal pagkatapos ng Subh hanggang sa sumikat ang araw,at wala sa pagkatapos ng Asr hanggang sa paglubog,at Walang pagtitiyak sa paglalakbay maliban sa tatlong Masjid,Masjid sa Meccah,at Masjid Al-Aqsa at sa Masjid kong ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isang ṣalāh sa Masjid kong ito ay higit na mabuti kaysa sa isang libong ṣalāh sa anumang iba pa rito maliban sa Masjid na Pinakababanal."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nag-alay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang tupa na kulay puting nahaluan ng itim na may sungay. Kumatay siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng kamay niya. Bumanggit siya [kay Allāh] at nagdakila. Naglagay siya ng paa niya sa mga gilid ng dalawang ito.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nang dumating ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya sa Meccah;Nagsabi ang mga walang pananampalataya;Tunay na darating sa into ang mga grupo na mga Taong pinahina sila ng mga Tagapag-tanggol sa Yathrīb. Ipinag-utos sa kanila ng Propeta na magmadali sa (paglalakad) pag-ikot ng tatlo,at ang lumakad sila ng (dahan-dahan) sa pagitan ng dalawang haligi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating siya sa itim na bato,at sinabi niyang: Tunay na alam kong ikaw ay isang bato,hindi nakakapinsala at hindi [nakakapag-bigay] pakinabang,Kung hindi lang dahil nakita ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hinahalikan ka niya,Hindi kita hahalikan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsagawa ng Tawaf ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hajj na pamamaalam,[na nakasakay] sa kamelyo,Hinahawakan nito ang Haligi [ng Ka`bah] sa pamamagitan ng tungkod [na may baluktot sa ulo nito]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ko nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na humawak sa [haligi ng] Tahanan [ni Allah],maliban sa dalawang Haligi ng Yamani
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na siya ay naglakbay ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Arafah,Narinig ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa likod niya ang malakas na sigaw at pagpalo,at boses ng kamelyo,Nagbigay siya ng senyales sa pamamagitan ng tungkod nito sa kanila,at nagsabi siya: (( O mga tao; Nararapat sa inyo ang pagdahan-dahan,sapagkat ang pananampalataya ay hindi sa pagmamadali))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at dumating sa Minā,Pumunta siya sa Jamrah at bumato siya rito,pagkatapos ay dumating siya sa bahay niya sa Minā at naghandog ng Sakripisyo,pagkatapos ay sinabi niya sa barbero:((Kunin mo)) at itinuro niya ang tagiliran niya sa bandang kanan,pagkatapos ay sa kaliwa,pagkatapos ay ipinamigay niya ito sa mga tao
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinag-utos sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na gawin ko ang kamelyo niya;at ipagkawang-gawa ko ang laman nito at balat nito at umbok nito,at ang hindi ko bigyan ang nagkatay nito kait kaunti
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagpaalam si Al-`Abbas bin Abdul Muttalib sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na matulog sa Meccah sa gabi ng Mina,upang magsagawa ng Siqayah [para sa mga nagsagawa ng Hajj],ipinahintulot ito sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagregalo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang beses ng tupa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Binaluktot ko ang kwintas ng hayop [na kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay linagyan ko ito ng palatandaan at sinabitan niya ng kwintas o sinabitan ko ito ng kwintas-pagkatapos ay ipinapadala niya ito sa Ka`bah,at naninirahan siya sa Madinah.Hindi niya ipinagbawal sa kanyang [sarili] ang mga bagay [na ipinagbabawal sa taong nasa kalagayan ng ihram] na sa kanya ay ipinahintulot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang ang Propeta ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng isang lalaking humihila ng kamelyo;Nagsabi siya: Sumakay ka rito,Nagsabi siya: Ito ay kamelyo,Nagsabi siya :Sumakay ka rito.Nakito ko siyang nakasakay dito at tinatabihan [sa paglalakbay] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Habang ang isang lalaki ay nakatayo sa `Arafah,nahulog ito sa kamelyo niya,Bumagsak ito-o Nagsabi siya: Ibinagsak niya ito- Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Paliguan ninyo siya sa tubig at Puno ng Nabk,At balutin ninyo siya sa damit niya,at huwag ninyo siyang [lagyan ng] pabango,at huwag ninyong takpan ang ulo niya,Sapagkat babangon siya sa Araw ng Pagkabuhay na Tumutugon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tumayo siya na ang Ka`bah ay nasa bandang kaliwa niya at ang Mina ay nasa bandang kanan niya;Pagkatapos ay sinabi niyang:Ito ang lugar kung saan ay ipinahayag sa kanya ang Surah Al-Baqarah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatalumpati sa `Arafāt: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sapatos ay magsuot ng medyas. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang tapis ay magsuot ng salawal," para sa Muḥrim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumunta ang Sugo ni Allah, (s), at ang mga Kasamahan niya sa umaga ng ikaapat [ng Dhulḥijjah] at nag-utos siya sa kanila na gawin nila itong isang `umarah kaya nagsabi sila: 'O Sugo ni Allah, alin pong [antas ng] pagkalas?' Nagsabi siya: 'Ang pagkalas ay kabuuan nito.'
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
papaano ang kalagayan ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay maglakad luluwas (mula sa Arafah)? Sabi niya: Siya ay magpalatag o hindi makipagsiksikan, at kung makakita siya ng maluwag na espasyo ay magmadali o magpabilis siya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Limang uri ng hayop,lahat sila ay nakakapinsala,[ipinapahintulot] ang pagapatay sa kanila sa loob ng Haram [Meccah]: Ang uwak,agila,alakdan,daga,at ang mabangis na agila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi siya mag-susuot ng damit,mga turban,at mga pantalon,at mga damit(na nababalot ang ulo ),mga sandal( yari sa tela/balat),maliban sa isang taong walang mahanap na sapatos,ay maari siyang magsuot ng sandal ( na yari sa tela/balat),at puputulan niya ang dalawang ito nang mas-mababa pa sa bukong-bukong ng paa niya,at hindi siya mag-susuot na anumang damit na may halong pabango ng Saffron o tina.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung hindi lamang nauna ko itong gawin,tunay na hindi ko ito babawiin; Hindi ako mag-aalay, kung hindi lamang mayroon akong pang-alay, tunay na ako ay nagtanggal na ng ihrām.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
((Nagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa araw ng Pagkatay,pagkatapos ay nagsermon,pagkatapos ay nagkatay, at Nagsabi siya: Sinuman ang kumatay bago siya magdasal,ay magkatay ng iba bilang kapalit niya,at sinuman ang hindi pa nakapagkatay,ay kumatay sa pangalan ni Allah))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagregalo ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ang isang mabangis na Asno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya:O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya:O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang panahon ay nakaikot na gaya ng anyo nito nang araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ang taon ay labindalawang buwan, na mula sa mga ito ay may apat na bawal makipaglaban: tatlong magkakasunod: Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Al-Muḥarram, at ang Rajab ng Muḍar
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsagawa ng ḥajj para sa akin kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa Ḥajj ng Pamamaalam samantalang ako ay pitong taong gulang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsagawa ng ḥajj sakay ng sasakyang kamelyo at ito ay tagapasan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang `Ukāđ, ang Mijannah, at ang Dhulmajāz ay mga palengke noong Panahon ng Kamangmangan. Nangamba silang magkasala sa pangangalakal sa mga panahon [ng ḥajj] kaya bumaba [ang talata]: Hindi kasalanan para sa inyo na maghanap kayo ng kagandahang-loob mula sa Panginoon ninyo. (Qur'an 2:198)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok sa Meccah mula sa Taas [ng Meccah] sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa itaas kung saan ay matatagpuan sa Batha [malawak na lupain sa Meccah],at lumabas siya sa daan na [pagitan ng dalawang bundok] sa ibaba
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumalabas mula sa daan na may mga punong-kahoy,at pumapasok mula sa daan na [Al-Muarras],At kapag pumasok sa Meccah,pumapasok siya sa daan na mataas,at lumalabas sa daan na mababa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naibaba ang talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay]-ibig sabihin ay: Mut`ah sa Hajj-At ipinag-utos sa amin ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Pagkatapos ay hindi na naibaba ang talata na nagpapawalang-bisa sa talata ng Mut`ah [Pagsasagawa ng Umrah at Hajj na pinahihiwalay] At hindi rin ito ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan hanggang sa siya ay namatay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinanong ko si Ibnu `Abbas tungkol sa [hajj] tammattu` at ipinag-utos niya sa akin na isagawa iyon. Tinanong ko siya tungkol sa hady at sinabi niya: Mayroon itong kamelyo, o baka, o tupa, o kahati sa alay. Nagsabi siya: Ang mga tao noon ay nasusuklam dito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagkain ng taong nagsagawa ng Ihram sa nahuling hayop,-[sa pagkakataong] hindi balak na panghuhuli,at walang tumulong sa paghuli nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang siya ay dumating sa Meccah,Kapag hinawakan niya ang haliging itim-sa unang pagsasagawa niya ng Tawaf-naglalakad ng mabilisan sa tatlong ikot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allah! Ano ang nangyari sa mga tao,nagsagawa sila ng tahallul sa umrah kahit na hindi ka pa nagsagawa ng tahallul sa iyong umrah, Nagsabi siya: Sapagkat tunay na hinigpitan ko ang [buhok sa] aking ulo at linagyan ko ng kwentas ang aking hayop na pang-alay [bilang palatandaan],kaya`t hindi ako magsasagawa ng tahallul hanggat hindi ako makapag-katay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kung papaano ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-naghuhugas ng kanyang ulo habang siya ay nasa kalagayan ng Ihram? Inilgay ni Abu Ayyub ang kamay niya sa kanyang damit,iniyuko niya ito,hanggang sa maaging hayag sa akin ang ulo nito,Pagkatapos ay sinabi niya sa taong nagbubuhos sa kanya ng tubig;Buhusan mo,Kaya binuhusan siya sa ulo niya,pagkatapos ay linalikut nito ang ulo niya sa mga kamay niya,iginalaw niya ito paharap at salubong,Pagkatapos ay nagsabi siyang: Ganyan ko siya nakita-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na naliligo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating kami kasama ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- nang kami ay nagsabi: Nandito na kami upang sadyain at isagawa ang hajj. At inutusan kami ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at ginawa namin siyang umrah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naidala ako patungo sa Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at ang mga kuto ay nagkahulog sa aking mukha, at kanyang sinabi: Hindi pa ako nakasaksi ng sakit tulad ng sakit na nasaksihan kong umabot sayo -o hindi pa ako naipakitaan ng paghihirap tulad ng naipakita sa akin na sumapit sa iyo- may mahanap ka bang tupa? at sabi ko: Wala. at sabi Niya: mag-ayuno ka ng tatlong araw, o magpakain ka ng anim na taong mahirap- sa bawat isang mahirap ay kalahating Saa' (paglalagyan ng sukat ng mga butil, nagtitimbang ng halos tatlong kilo)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naway ilayo sa sugat at sakit sa lalamunan,Nakapagsagawa ba siya ng Tawaf [na Al-Ifadah] sa araw ng Ritwal na Pagkatay? Sinabi sa kanya: Oo,Nagsabi siya: Lumabas ka
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Allah ay hinadlangan niya sa Meccah ang mga elepante,at ipinagkaloob Niya rito ang Kanyang Sugo at ang mga mananampalataya,at tunay na hindi ito ipinapahintulot sa sinumang nauna sa akin,at hindi rin ito ipinapahintulot sa sinumang sumunod sa akin,at ipinapahintulot sa akin ang isang oras sa Araw,at tunay na ito ay oras ko,ito ay isang Banal;
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga bagay na ito ay naitakda ni Allah para sa mga babaing Anak ni Adam,Gawin mo ang anumang ginagawa ng Nagsasagawa ng Hajj,maliban sa Tawaff [Pag-ikot] sa Tahanan ni Allah,hanggang sa ikaw ay maging dalisay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu