+ -

عن عبد الله بن عُمر رضي الله عنهما عن رسول الله صلى الله عليه وسلم أنه قال: «اللَّهُمَّ ارحم الْمُحَلِّقِينَ. قالوا: والْمُقَصِّرِينَ يا رسول الله؟ قال: اللهم ارحم الْمُحَلِّقِينَ. قالوا: والْمُقَصِّرِينَ يا رسول الله؟ قال: اللهم ارحم الْمُحَلِّقِينَ. قالوا: والْمُقَصِّرِينَ يا رسول الله؟ قال: والْمُقَصِّرِينَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tunay na nagsabi siya: ((O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya:O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya:O Allah,Kaawaan Mo ang mga nagsipagkalbo.Nagsabi sila: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok] O Sugo ni Allah? Nagsabi siya: At ang mga nagpa-iksi [ng buhok]))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Pagkakalbo at pagpapa-iksi ng buhok ay kabilang sa gawaing Hajj at `Umrah,Ngunit ang Pagkakalbo ay higit na mainam sa pagpapa-iksi,sapagkat ito ay higit na ganap sa pagsamba,at pagpapakumbaba kay Allah-Pagkataas-taas Niya,Sa pamamagitan ng pagpapakalbo sa buhok ng ulo para sa Allah-Pagkataas-taas Niya,Kung-kaya`y ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nanalangin para sa mga nagpakalbo ng Habag [ ni Allah] nang tatlong beses,Habang ang mga taong naroroon ay ipinapaalala sa kanya ang mga nagpa-iksi,ngunit hindi niya ito pinapakinggan sa kanila,At sa ikatlo o apat na beses,Isinama niya sa kanila ang mga nagpa-iksi ng buhok sa pananalangin,bilang pagpapatunay sa karapatan ng mga kalalakihan ay siyang pinakamainam.At ito ay kapag hindi sa `Umrah na Attamattu,At nagiging masikip ang oras na kung saan ay hindi tutubo ang buhok,para isagawa ang pagkakalbo para sa Hajj,Kaya ang Pagpapa-iksi sa karapatan niya [Umrah Attamattu] ay higit na mainam;Sapagkat siya ay kakalbuhin din pagkatapos nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin