عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ مَسْعُودٍ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«تَابِعُوا بَيْنَ الحَجِّ وَالعُمْرَةِ، فَإِنَّهُمَا يَنْفِيَانِ الفَقْرَ وَالذُّنُوبَ كَمَا يَنْفِي الكِيرُ خَبَثَ الحَدِيدِ، وَالذَّهَبِ، وَالفِضَّةِ، وَلَيْسَ لِلْحَجَّةِ الْمَبْرُورَةِ ثَوَابٌ إِلاَّ الجَنَّةُ».
[صحيح] - [رواه الترمذي والنسائي وأحمد] - [سنن الترمذي: 810]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Magpasunuran kayo ng ḥajj at `umrah sapagkat ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala kung paanong nag-aalis ang bubulusan ng latak ng bakal, ginto, at pilak. Ang ḥajj na tinanggap ay walang gantimpala kundi ang Paraiso."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 810]
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapalapit sa pagitan ng pagganap ng mga gawaing pagsamba ng ḥajj at mga gawaing pagsamba ng `umrah at hindi pagkaputol ng pagganap sa dalawang ito ayon sa kakayahan dahil ang pagganap sa dalawang ito ay isang kadahilanan sa pag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala at bakas ng mga ito sa puso kung paano na ang pag-ihip ng apoy ay isang kadahilanan sa pag-aalis ng karumihan ng bakal at anumang humahalo rito na mga metal na hindi bahagi nito.