عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: سمعت النبي صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَنْ حَجَّ لِلهِ فَلَمْ يَرْفُثْ وَلَمْ يَفْسُقْ رَجَعَ كَيَوْمِ وَلَدَتْهُ أُمُّهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1521]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh saka hindi humalay at hindi nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1521]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh (napakataas Siya) at "hindi humalay ..." Ang halay ay ang pakikipagtalik at ang mga tagapagpauna nito na paghalik at pagromansa. Itinataguri rin ito sa mahalay na salita. Ang "nagpakasuwail" ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at mga masagwang gawa. at bahagi ng pagpapakasuwail ang paggawa ng mga pinipigilan sa iḥrām – "uuwi siya" – mula sa ḥajj niya na pinatatawad, gaya ng ipinanganganak na paslit habang ligtas sa mga pagkakasala.