عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قَالَ:
قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ لِامْرَأَةٍ مِنَ الْأَنْصَارِ سَمَّاهَا ابْنُ عَبَّاسٍ فَنَسِيتُ اسْمَهَا: «مَا مَنَعَكِ أَنْ تَحُجِّي مَعَنَا؟» قَالَتْ: لَمْ يَكُنْ لَنَا إِلَّا نَاضِحَانِ فَحَجَّ أَبُو وَلَدِهَا وَابْنُهَا عَلَى نَاضِحٍ وَتَرَكَ لَنَا نَاضِحًا نَنْضِحُ عَلَيْهِ، قَالَ: «فَإِذَا جَاءَ رَمَضَانُ فَاعْتَمِرِي، فَإِنَّ عُمْرَةً فِيهِ تَعْدِلُ حَجَّةً».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1256]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na pinangalanan ni Ibnu `Abbās ngunit nakalimutan ko ang pangalan nito: "Ano ang pumigil sa iyo na magsagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagsabi ito: "Hindi kami nagkaroon kundi ng dalawang kamelyong pang-igib." ngunit nagsagawa ng ḥajj ang ama ng anak niya at ang anak niya sakay ng isang kamelyong pang-igib, "Nag-iwan siya sa amin ng isang kamelyong pang-igib na nag-iigib kami sakay nito." Nagsabi siya: "Kaya kapag dumating ang Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat tunay na ang isang `umrah dito ay nakatutumbas sa isang ḥajj."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1256]
Noong bumalik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Ḥajj ng Pamamaalam, nagsabi siya sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na hindi nagsagawa ng ḥajj: "Ano ang pumigil sa iyo sa pagsasagawa ng ḥajj kasama namin?"
Nagdahilan ito na sila ay may dalawang kamelyo ngunit nagsagawa ng ḥajj ang asawa niya at ang anak niya sakay ng isa sa dalawang kamelyo. Iniwanan ang isa pa upang ipangkuha nila ng tubig mula sa balon.
Kaya nagpabatid dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagganap ng `umrah sa buwan ng Ramaḍān ay nakatutulad ang pabuya nito sa pabuya ng ḥajj.