+ -

عن سلمان الفارسي رضي الله عنه مرفوعاً: «رباط يوم وليلة خير من صيام شهر وقيامه، وإن مات جرى عليه عمله الذي كان يعمل، وأُجْرِيَ عليه رزقه، وأَمِنَ الفَتَّانَ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Salmān Al-Fārisīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang pagbabantay sa araw at gabi ay higit na mabuti kaysa sa pag-aayuno ng isang buwan at pagdarasal sa bawat gabi nito. Kung namatay siya, magpapatuloy sa kanya ang gawa niyang ginagawa niya dati, ipagpapatuloy para sa kanya ang panustos sa kanya, at maliligtas siya sa manunubok."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang pagbabantay sa araw at gabi sa landas ni Allah para pangalagaan ang mga Muslim ay higit na mabuti kaysa sa pag-aayuno ng isang buwan at pagdarasal sa gabi nito. Kapag namatay ang nakikibaka, mananatiling nagpapatuloy ang gantimpala ng gawa niya at hindi mapuputol. Gayon din, tutustusan siya sa Paraiso dahil siya ay buhay para sa Panginoon niya sa Paraiso. May magaganap sa kanya na isang himala sa pamamagitan ng hindi pagpunta sa kanya ng dalawang anghel upang tanungin siya. Iyon ay dahil sa siya ay namatay na nagbabantay alang-alang sa landas Allah, pagkataas-taas Niya, kalakip ng kaalamang ang pagbabantay [na ito] ay bahagi ng pakikibaka sa landas ni Allah dahil siya ay nananatili sa mga lugar ng mga hangganan para pangalagaan ang mga Muslim laban sa mga tumatangging sumampalataya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin