+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه : أنَّ رسول الله صلى الله عليه وسلم حَجَّ على رَحْلٍ وكانتْ زَامِلَتَهُ.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsagawa ng ḥajj sakay ng sasakyang kamelyo at ito ay tagapasan niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥajj ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay lulan ng kamelyo nang walang karga: ang bagay na inilalagay sa kamelyo. Wala siyang iba pang kamelyo na magpapasan ng pagkain niya at mga gamit niya, bagkus inilalagay niya ang mga ito kasama niya sa kamelyong ito. Ito ay kabilang sa nagpapatunay sa kawalan niya ng kamunduhan at pagkakasya niya sa kaunti sa Mundo. Ang ḥadīth ay hindi nagpapahiwatig ng pagbabawal sa pagsakay sa maginhawa at magarang sasakyang hayop sa ḥajj. Ang pagkakasaya sa kaunting karangyaan at luho sa ḥajj ay ang pinakamainam bilang pagtulad sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa Malayalam Tamil
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan