عن السَّائب بن يزيد رضي الله عنهما قال: «حُجَّ بي مع رسول الله صلى الله عليه وسلم في حجة الوداع، وأنا ابن سبع سنين».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya: "Nagsagawa ng ḥajj para sa akin kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa Ḥajj ng Pamamaalam samantalang ako ay pitong taong gulang."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allah sa kanya, ay isang batang kasamahan, na pinagsagawaan ng ḥajj ng mag-anak niya noong panahon ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Naabutan niya ang Ḥajj ng Pamamaalam. Kinilala ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ḥajj ng mga bata. Ibibilang ito sa bata na ḥajj na kusang-loob ngunit kapag tumuntong na ito sa sapat na gulang ay inoobliga siyang magsagawa ng isa pang ḥajj. Gagawin ng bata sa ḥajj ang tulad ng ginagawa ng nakatatanda gaya ng iḥrām, paghuhubad ng may tahi, talbiyah, at mga tulad nito. Kapag hindi niya kayang gawin ito, ang walīy niya gaya ng ama niya o ina niya ang magsasagawa. At-Tawḍīh li Sharḥ Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaḥīḥ 473/12, `Umdah Al-Qāri’ 218/10, Nuzhah Al-Muttaqīn 898/2, at Sharḥ Riyād Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 326/327-5.