+ -

عَنْ أَبِي عَبْسٍ عَبْدُ الرَّحْمَنِ بْنِ جَبْرٍ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَا اغْبَرَّتْ قَدَمَا عَبْدٍ فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَتَمَسَّهُ النَّارُ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 2811]
المزيــد ...

Ayon kay Abū `Abs `Abdirraḥmān Bin Jabr (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang naalikabukang mga paa ng isang tao sa landas ni Allāh saka sasaling sa kanya ang Apoy."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 2811]

Ang pagpapaliwanag

Nagbalita ng nakagagalak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang tumama sa mga paa niya ang alikabok, habang siya ay nakikibaka sa landas ni Allāh, hindi sasaling sa kanya ang Apoy.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang nakagagalak na balita para sa nakikibaka sa landas ni Allāh hinggil sa kaligtasan mula sa Impiyerno.
  2. Binanggit niya ang mga paa, kahit ang alikabok ay bumabalot sa katawan sa kabuuan nito, dahil ang higit na marami sa mga nakikibaka sa panahong iyon ay mga naglalakad at ang mga paa ay naaalikabukan sa bawat kalagayan.
  3. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Kaya kapag ang payak na pagkasaling ng alikabok sa paa ay magkakait dito ng Impiyerno, papaano na sa sinumang nagpunyagi, nagkaloob ng pagsisikap niya, at sumaid ng makakaya niya?