عن عائشة رضي الله عنها قالت: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «ما أُظُن فُلَانا وفُلَانا يَعْرِفَان من دِيِننَا شَيْئَا».
قال اللَّيث بن سعد أحد رُواة هذا الحديث: هذان الرجلان كانا من المنافقين.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ko ipinagpapalagay na sina Polano at Polano ay nakaaalam mula sa relihiyon natin ng anuman." Nagsabi si Al-Layth bin Sa`d, isa sa mga mananaysay ng ḥadīth na ito: "Ang dalawang lalaking ito ay kabilang noon sa mga nagpapanggap na mananampalataya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Nagpapabatid si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpabatid sa kanya ng tungkol sa dalawang lalaki, na silang dalawa ay walang nalalamang anuman mula sa Relihiyong Islām dahil silang dalawa ay nagpapakita ng pag-anib sa Islām at nagkukubli ng kawalan ng pananampalataya. Binanggit ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi ko ipinagpapalagay na sina Polano at Polano ay nakaaalam mula sa relihiyon natin ng anuman." Nagsabi si Al-Layth bin Sa`d, isa sa mga mananaysay ng ḥadīth na ito: "Ang dalawang lalaking ito ay kabilang noon sa mga nagpapanggap na mananampalataya."