+ -

عن عائشة رضي الله عنها مرفوعاً: «ما مِن يومٍ أكثر مِن أنْ يُعْتِقَ اللهُ فيه عبدًا مِن النارِ، مِن يومِ عرفة، وإنَّه ليدنو، ثم يُباهي بهم الملائكةَ، فيقول: ما أراد هؤلاء؟».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh doon ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah. Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

"Wala nang araw na higit na marami sa pagpapalaya si Allāh ng alipin mula sa Impiyerno kaysa sa Araw ng `Arafah." Nangangahulugan ito: Walang araw mula sa mga araw na higit na marami sa araw ng `Arafah sa pagliligtas at pagsasagip ni Allāh ng sinumang niloob Niya mula sa Impiyerno. "Tunay na Siya ay talagang lumalapit. Pagkatapos ay ipinagkakapuri Niya sila sa mga anghel..." Inilalantad Niya sa mga anghel ang kalamangan ng mga nagsasagawa ng ḥajj at karangalan nila. Ang mga alagad ng Sunnah at Pagbubuklod ay naniniwalang si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay malapit sa mga lingkod Niya sa totoong kahulugan gaya ng naangkop sa kamahalan Niya at kadakilaan Niya. Siya ay nakaluklok sa trono Niya at nakahiwalay sa nilikha, at na Siya ay napalalapit sa kanila sa tunay na kahulugan at lumalapit sa kanila sa tunay na kahulugan. Ang "at nagsasabi: Ano ang ninais ng mga ito?" ay nangangahulugang: Aling bagay ang ninais ng mga ito yayamang iniwan nila ang mga mag-anak nila at ang mga bayan nila, ginugol nila ang mga yaman nila, at pinagod nila ang mga katawan nila? Nangangahulugan ito: Wala silang ninais kundi ang kapatawaran, ang lugod, ang pagkakalapit, at ang pakikipagtagpo [kay Allāh]. Ang ninais nila, ito ay magaganap sa kanila. Ang mga antas nila ay kasukat ng mga layunin nila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin