عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضيَ اللهُ عنهُ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَوْ يَعْلَمُ النَّاسُ مَا فِي النِّدَاءِ وَالصَّفِّ الْأَوَّلِ ثُمَّ لَمْ يَجِدُوا إِلَّا أَنْ يَسْتَهِمُوا عَلَيْهِ لَاسْتَهَمُوا، وَلَوْ يَعْلَمُونَ مَا فِي التَّهْجِيرِ لَاسْتَبَقُوا إِلَيْهِ، وَلَوْ يَعْلَمُونَ مَا فِي الْعَتَمَةِ وَالصُّبْحِ لَأَتَوْهُمَا وَلَوْ حَبْوًا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 437]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Kung sakaling nakaaalam ang mga tao sa nasa panawagan [ng ṣalāh] at unang hilera [ng ṣalāh], pagkatapos hindi sila nakatagpo kundi na magpalabunutan sila rito, talaga sanang nagpalabunutan sila." Kung sakaling nakaaalam sila sa nasa pagpapaaga, talaga sanang nag-unahan sila roon. Kung sakaling nakaaalam sila sa nasa gabi at madaling-araw, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 437]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga tao, kung sakaling nakaaalam sila sa nasa adhān at unang hilera [sa ṣalāh] na kainaman, kabutihan, at pagpapala, pagkatapos hindi sila nakatagpo ng mga paraan ng pag-una at pagkauna para rito kundi na magpalabunutan sila sa dalawang ito kung alin sa kanila ang magiging karapat-dapat higit sa kasamahan niya, talaga sanang nagpalabunutan sila. Kung sakaling nakaaalam sila sa nasa pagpapaaga sa ṣalāh sa unang oras nito, talaga sanang nag-unahan sila roon. Kung sakaling nakaaalam sila sa kantidad ng gantimpala sa pagpunta sa ṣalāh sa gabi at ṣalāh sa madaling-araw, talaga sanang nagsamadali ang pagpunta sa dalawang ito kahit pa man pagapang sa mga tuhod kung paanong naglalakad ang paslit sa unang pagkakataon.