عن عبد الرحمن بن يزيد النَّخَعِي: «أنه حج مع ابن مسعود فرآه يَرمي الجَمْرَةَ الكبرى بسبع حصَيات، فجعل البيت عن يساره، ومِنى عن يمينه، ثم قال: هذا مَقَامُ الذي أُنْزِلَتْ عليه سورة البقرة صلى الله عليه وسلم ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdurrahman bin Yazid Annakha`iy:(( Tunay na siya ay nagsagawa ng Hajj kasama si Mas`ud,nakita niya ito na bumabato sa Jamrat Al-Kubra ng maliliit na bato:Tumayo siya na ang Ka`bah ay nasa bandang kaliwa niya at ang Mina ay nasa bandang kanan niya;Pagkatapos ay sinabi niyang:Ito ang lugar kung saan ay ipinahayag sa kanya ang Surah Al-Baqarah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang pagbabato ng maliliit na bato sa Araw ng Pag-alay at Ayyamu Tashriq ay isang banal na pagsamba;ito ay nagpapahiwatig sa kahulugan ng pagpapakumbaba kay Allah-pagkataas-taas Niya,at pagsasakatuparan sa Kanyang mga kautusan at pagsunod kay Propeta-Ibrahim na Kaibigan [ng Allah]-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga;At ang unang-unang gawain na sisimulan ng taong nagsasagawa ng Hajj sa Araw ng Pag-alay ay ang pagbato sa Jamrat Al-Kubra,upang maging pambungad sa mga gawain sa banal na araw na ito,Tatayo siya mula sa kinatatayuan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung saan ang Maluwalhating Ka`bah ay nasa bandang kaliwa niya at ang Mina ay nasa bandang kanan niya,hinarap niya ito at ibinato ang pitong piraso ng maliliit na bato,at sinasabi ang Allahu Akbar sa bawat bato;tulad ng pagtayo ni Ibn Mas`ud-malugod si Allah sa kanya,at nanumpa siya na ito ang lugar kung saan ay ipinahayag sa kanya ang Surat Al-Baqarah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan