+ -

عن عبد الله بن أبي بكر بن حزم، أن في الكتاب الذي كتبه رسول الله صلى الله عليه وسلم لعَمْرو بن حَزْم: «أن لا يَمَسَّ القرآن إلا طَاهر».
[صحيح] - [رواه مالك والدارمي]
المزيــد ...

Ayon kay 'Abdullāh bin Abē Bakar bin Hazm; Tunay na napapaloob sa aklat na isinulat ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kay 'Amr bin Hazm:((Ang hindi hawakan ang Qur-ān maliban sa taong dalisay))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Mālik - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng Hadith:" Napapaloob sa aklat na isinulat ng Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-kay 'Amr bin Hazm" Ibig sabihin ang Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay sumulat ng isang sulat kay 'Amr bin Hazm nang siya ay [nakatalagang] Tagahatol sa Najrān,sumulat siya sa kanya ng mahabang sulat at naglalaman ito ng napakaraming panuntunan sa Batas ng Islam,tulad ng Farāid [Pagbabahagi sa mana ng patay], Mga Kawanggawa at Diyāt [ Kabayaran sa nagawang krimen].at ito ay kilalang aklat na tinanggap ng Ummah."Ang hindi hawakan ang Qur-ān maliban sa [taong] dalisay" At ipinapahiwatig sa paghawak rito ay ang hawakan niya ito sa kamay na walang nakakahadlang, At dahil dito: Ang paghawak nito sa likod ng [anumang bagay na] nakakahaadlang ay nahihiwalay rito, Tulad halimbawa ng; kapag siya ay nagdala nito sa loob ng sopot o bag o binaliktad ang mga pahina nito gamit ang patpat o mga tulad pa nito, ito ay hindi kasali sa ipinagbabawal, dahil hindi nangyari ang paghawak.At ang ipinapahiwatig sa Qur-ān rito ay ang anumang bagay na nakasulat rito ang Qur-ān, tulad ng mga tablets, papel,at mga balat, at iba pa.At hindi ang nais ipahiwatig rito ay salita, Dahil ang salita ay hindi nahahawakan, kundi naririnig." Maliban sa [taong] dalisay" at ang salitang ito ay may kasamang apat na bagay: Una; Ang ipinapahiwatig sa dalisay ay ang Muslim; Tulad ng sinabi ni Allāh-Pagkataas-taas Niya:{ Katotohanang ang mga nagtatambal [sa pagsamba sa Allāh] ay marurumi} Ang pangalawa:Ang ipinapahiwatig rito ay ang [taong] dalisay mula sa karumihan; Tulad ng sinabi niya-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-tungkol sa pusa:" Tunay na ito ay marumi" Ang pangatlo:Ang ipinapahiwatig rito ay ang [taong] dalisay mula sa pagiging Junub [ pakikipagtalik], Ang pang -apat: Ang ipinapahiwatig sa [taong] dalisay ; ay ang nakapagsagawa ng wudhu.Ang lahat ng kahulugang ito para sa kadalisayan sa Islam ay maaaring mangyari sa ipinapahiwatig ng Hadith na ito, at wala kaming linalamangan na isang kahulugan sa iba nito,kayat ang nangunguna ay ang pagbibigay kahulugan sa pinakamababa na pagpapahulugan rito;at ito ay ang taong nakagawa ng maliit na Hadath;sapagkat ito ang katiyakan,at ito ang sumasang-ayon sa napagkaisahan ng Jumhur,at kabilang sa kanila ay ang apat na Imam at ang mga sumunod sa kanila;at ito ang napili at angpinaka-una

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin