عن أنس بن مالك رضي الله عنه : «أن رسول الله صلى الله عليه وسلم دخل مكة عام الفَتح، وعلى رأسه المِغْفَرُ، فلما نَزعه جاءه رجل فقال: ابن خَطَلٍ متعَلِّقٌ بأستار الكعبة، فقال: اقْتُلُوهُ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.((Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumasok ng Meccah sa taon ng Al-Fath [tagumpay],at sa ulo niya ay ang kalubkob,at nang tanggalin niya ito ay dumating sa kanya ang isang lalaki;at siya ay nagsabi: Si Ibn Khatal,ay nakasabit sa tela ng Ka`bah.Nagsabi siya: Patayin ninyo siya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Sa pagitan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at sa pagitan ng mga hindi mananampalatayang Quraysh ay isang kasunduan,At tunay na dumanak ang dugo ng ilan sa mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan at ipinag-utos niya ang pagpatay sa kanila,at sila ay na siyam na bilang lamang,At nang dumating ang Pagtagumpay sa Meccah,pumasok siya rito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kalagayang nag-aalerto at nag-iingat,isinuot nito sa ulo niya ang kalubkob,at nakita ng ilan sa mga kasamahan niya si "Ibn Khatal" na nakasabit sa tela ng Ka`bah,humihingi ng tulong na ipagbawal sa kanya ang pagpatay,dahil sa alam niya ang kasamaan ng gawain niya,at kasuklam-suklam na pinagdaanan niya,pinahirapan nila ito sa pagpaslang sa kanya bago siya ibalik sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;At nang ibalik nila ito,siya ay nagsabi: Patayin ninyo siya,at napatay siya sa pagitan ng Bato at Maqam [ni Propeta]ibrahim]